14| Alcoholic beverages and stupid party games

514 12 0
                                    

Do you know what's bothering me? Wala si Torres ngayon. I asked Cather kung saan pumunta kakambal niya, kahit siya hindi niya rin alam. I don't know whether I should feel relieved with what Torres' responded last night. Be her friend, he said. Sana nga gawin niya, or maybe, somewhere in his twisted mind he'd agreed to raise the child with her.

Terrible.

I pushed the thoughts aside and focused on what I'm trying to finish at this moment. Pinapabasa sa akin ni Jemima yung revised version ng One Question, pagkatapos kasi nito, ipapa-approve na kay kuya Kurt yung script.

"Ano, ayos na?" tanong sa akin ni Jemima. I noticed how evident her eyebags were these past few days, halatang pinagpuyatan yung pag-revise sa script.

Tumango ako, "Maganda. This time, elaborated yung details ng break up nila, unlike the first script. Hope Kuya Kurt approves this."

Jemima slumped her shoulders and rested her back against the wall, "Aba! Dapat lang na-i-approve niya. Ang daming hassle sa akin nung pinaparevise niya sa akin ang script. Sure, he helped, pero nasa akin pa din nakasalalay yung flow ng story." Pagod na si Jemima, in short. Kulang siya sa tulog.

I sat on my swiveling chair. Na-weirdan ako nang may makita akong mga post-it notes na nakakalat sa workspace ko. Sino na naman ang may kagagagawan nito?

Aris. Parking lot. Dismissal. -Arki

Napailing na lang ako. Nagsayang pa si Arki ng papel. Bakit hindi na lang niya ako tawagan kung gusto pala niya ako makita? Ano naman ang kailangan nitong hinayupak na 'to? I reached for my phone and contacted him. Hindi nagtagal, sinagot niya tawag ko. "Sup!"

Ipinagpupulot ko yung mga post-it notes sa lamesa ko tapos pinagsasama-sama sila sa iisang pile at itinabi sa gilid. "Ano 'tong kalokohan mo? Sinayang mo mga papel ko,"

He laughed. "A college party sa Central Circle. Samahan mo ako,"

I groaned, "Enough with the parties. Nakita mo ba ako sa party ni Lola Erin?" I was referring to the party we went to in Baguio, "Mukha akong tuod, Arki. How much more to a college party? Do you realize that I'm not that kind of person who hangs out late at night, drinking alcoholic beverages and playing beer pong?"

I heard him clicked his tongue. From where I was sitting, Jemima is carefully watching me. "Aris, I promise. We'll not drink, nor play anything stupid party games. Papanuorin natin yung banda ng kaibigan ko tumugtog mamaya,saka para support na rin sa kanila! Dali!"

Binuksan ko yung computer ko. "No. Saka busy pa ako."

"Great! I'll pick you up at 8. Your mom said yes, by the way." Nagpaalam na si Arki kay mommy? Before I can even react, he already hung up. Napahinga na lang ako ng malalim. Ano pa ba magagawa ko? Kahit anong gawin kong pag-iwas masasama pa rin ako kay Arki sa college party na tinutukoy niya. Arki has his own ways to do what he wants.

Remember how he planned everything prior to his grandmother's birthday celebration? Aba, simula't sapul pa lang ako na kaagad yung kinukwento niyang girlfriend sa harap ng family niya kahit wala pa kaming kahit anong interaction or communication ni Arki. And now, eto na naman.

Is Arki even human?

Jemima suddenly piped in, "Ayiiieee, nagkakaseryosohan na ba ang friendship niyo ni Arki?"

I gave her a dismissive look, "Whatever, Jemima. Isipin mo na kung ano gusto mong isipin." Tinawanan na lang ako ni Jemima bago siya lumabas ng office. Naririnig ko pa rin siyang nangangantiyaw kahit nasa labas na siya.

Hindi naman din nagtagal lumabas na ako ng office. May next class pa kasi ako, ayokong malate sa halimaw kong professor. Alam ko kapag tumuntong na ang isang estudyante sa kolehiyo, nasa sa kaniya na yung desisyon kung papasok ba siya o hindi sa klase. Kumbaga, may freedom na. Hindi na naaapply sa kolehiyo ang attendance (pero yung ibang prof masyadong strict kasi meron pa rin). Yun kasi ang kwento sa akin ni mommy habang nung nasa college siya. Walang attendance daw kaya ilang beses na siyang absent, hindi pa rin siya pinapagalitan ng professor. Kung nasa trip niyang pumasok, edi papasok siya. Edi ganun na din yung naging ideya ko nung nakatuntong ako ng kolehiyo. Hindi ako pumasok ng first day, nag-gala kasi ako. Pagkapasok ko the next day, akala ko mada-drop na ako kasi halos itakwil na ako nung professor sa klase niya, kuno hindi daw ako responsable dahil wala ako sa first day of class niya. Ever since, never na akong umabsent kapag siya ang professor.

Obviously, This Is Not LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon