11| Blame

388 13 0
                                    

After that incident, all eyes were focused at Aera. Lahat kasi nagtataka kung ano nangyari. She was already in tears when we saw her. Arki and I both rushed towards the door after that. Akala naman nakaalis na siya, pero hindi pa pala. Nakatayo lang siya, tahimik na nakaupo malapit sa sasakyan ni Arki. I know he wanted to cry, pero pinipigilan niya.

Arki whispered to me, "Ris, samahan mo muna siya dito. Ite-take out ko na lang order natin."

Um-oo naman ako. Dahan-dahan kong nilapitan si Torres. Hindi ko kasi alam kung ano ba gagawin ko, dapat ko ba siyang lapitan? O hahayaan ko lang muna siyang magmukmok sa sarili niya? Umupo na lang ako sa tabi niya. "Kinukuha na ni Arki yung order namin, tapos aalis na rin tayo."

"Hindi na kailangan. Wag niyo na akong intindihin." He flatly said.

Hindi ko na lang siya pinansin, tahimik na lang din akong nakaupo sa tabi niya. I watched him carefully, nanggigigil siya sa sobrang galit niya. But he will take a deep breath para mapakalma niya sarili niya. Ano kaya nangyari sa kanilang dalawa ni Aera?

Torres suddenly stood up, then he hailed a jeep. Pinigilan ko. "Torres, sumabay ka na sa amin ni Arki. Babalik na rin kami sa Hanha,"

Hindi niya ako pinansin. Nang may pumara na jeep sa harapan niya, sumakay na siya. Iba yung jeep na sinakyan niya, hindi papuntang Hanha Circle yung jeep na yun. Saan kaya siya pupunta?

Binalikan ko si Arki sa loob ng ihawan, nakita ko na wala na rin si Aera dun sa inuupuan niya. Nilapitan ko si Arki, "Wala na si Torres. Sumakay na papuntang Metro."

Kinuha naman kaagad ni Arki phone niya tapos sinubukang tawagan si Torres, pero hindi na rin niya sinasagot ang tawag. Nag-alala na ako. "Arki, saan naman kaya pupunta yun?"

Arki shook his head, "Hayaan na lang kaya muna natin na magpalamig ng ulo yun? Whatever happened back there, it must have hurt him. He won't leave like that kung maliit lang na bagay yung nangyari."

Hindi na lang ako umimik. We waited for our orders to be packed, and when it was done, bumalik na kaagad kami ni Arki sa Hanha Circle. On our way, tinawagan na lang namin si Cather at yung mama nila sa nangyari para alam nila kung bakit hindi umuuwi si Torres, just in case. Then, Arki drove me home. Pagbaba ko ng sasakyan, nakita kong nandun si mommy sa loob ng store. "Hi, ma." bati ko sa kaniya.

She noticed Arki trailing behind me, "Hello, hijo. Saan kayo galing?"

Pinakita ko sa kaniya yung take-out burgers namin ni Arki as a proof na hindi kami kung saan-saan pumunta, "We bought burgers, ma. Nothing out-of-ordinary," Mom just sent me a smirk. I ignored her.

"Anyway, sige po tita, balik na po ako sa amin. Hinatid ko lang si Aris," Arki just nodded his head and left the store after. I watched his car sped through the window.

"Saan ka naman galing ma? Ang tagal mo yatang nawala?" I asked mom when the store became quiet. Magsasara na rin kasi ang store dahil pagabi na kaya naglilinis na lang sila ate Jen at kuya Peter. "Nagpaalam ka sana na tatlong araw kang mawawala."

"Diyan lang sa tabi-tabi," she shrugged her shoulders and quickly dismissed my question. Something is fishy, hmm. "Sorry, I know, but it was urgent."

"Urgent?" I asked her again, "Anong meron?"

"I had to meet someone kasi.. Just... Haay, nako Aris. When did you become so nosy?" She laughed it off, pero may iba talagang nangyayari. 

"Well, of course, ano pa ba iisipin ko na wala nanay ko ng tatlong araw tapos wala pa akong idea kung saan ka pumunta." Instead na pagsabihan ako ni mommy sa tono ng boses, tumawa lang siya. 

Obviously, This Is Not LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon