CHAPTER 69 - NURSING A SICK ZHEN

Zacznij od początku
                                    

Sinundan ng mata ko ang kotseng iyon hangga't sa tumigil ito sa hindi kalayuan.

*Gulp*

.

.

.

"Sam" 

(A/N: Sa mga nakalimot na po kay Sam, pakibalikan na lang po yung Chapter 53)

*beep beep*

 Nabaling ang atensyon ko sa taxi na nasa harapan ko nang bigla itong bumusina

"Sir, sasakay ho ba kayo?"

"N-no"

Matipid kong sinagot ang driver ng taxi at tumakbo patungo sa kinaroroonan ng kotse ni Sam.

Sa wakas!

Mag uusap na ulit kami.

Nakumpirma kong si Sam nga ang nasa loob  ng kotseng iyon matapos syang lumabas at humarap sa Tattoo parlor kaya agad akong napangiti.

Tinanggal ko ang suot kong sumbrero atsaka tumakbo palapit sakanya hangga't sa ilang metro na lang at nasa likuran nya na ako kaya tumigil ako para tawagin sya.

"Sa---" 

Hindi ko na naituloy ang pagtawag ko sakanya nang bigla syang tumakbo papunta sa lalaking kalalabas lamang ng Tattoo parlor.

F*ck! 

Yung fiance' nyang mukhang Rakista

Nakatalikod si Sam sakin habang ang fiance' nyang rakista ay lumapit sakanya at itinaas ang sariling T-shirt kung saan ay may nakatattoo na Sam sa bandang dibdib nito. Tss.

Humarap ako sa kanan ko at inilipat ang tingin sa Glass wall ng Tattoo Parlor na may pagka light Gray nang bigla syang niyakap ni Sam. 

Sinuot ko muli ang sumbrero ko para hindi nila ako makilala at mapansin.

"i like it babe, ang sweet mo talaga" narinig kong sabi ni sam na halos dalawang metro lang ang layo sakin.

Wrong move yata ang ginawa ko dahil imbes na mailayo ko ang tingin ko sa kanila ay mas lalo  pang naging malinaw dahil kitang kita ko ang repleksyon nila sa mula sa Glass wall.

Gusto ko syang ilayo sa pagyayakapan nila pero mukhang hindi yata sumasang ayon ang katawan ko sa gusto ng utak ko dahil nanatili pa rin akong nakatayo roon habang pinapanood ang mga repleksyon nila.

"Happy birthday babe" bati ng fiance' nya

Sh*t! nakalimutan ko birthday nga pala ni Sam ngayon 

"pfft Thank you" sam

"I love you"  dinig kong sabi ng fiance' nya

Natigilan ako at tiningnan ng maigi ang repleksyon ni Sam.

Pls...

Sam.. don't say you love him too.

pls

pls.

Nandito ako Sam, ako yung mahal mo diba, sabi mo.


Napapikit ako ng mariin at muli ring nagmulat ng marinig ang naging sagot nya.

"I love you too..  Rex" 

F*ck! 

Why Sam? why?


Aalis na sana ako para ilayo ang sarili sa kanilang dalawa nang bigla nyang hinalikan si Rex.

Mr. Bully meets Ms. GangsterOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz