Chptr 5: Blackmailing Case

5 0 0
                                    

Z's P.O.V


TUESDAY

'Di ba kapag 15 minutes late na ay hindi na tuloy ang klase? At dahil ganyan ang nangyayari ngayon ay wala na kaming klase kay Ma'am Grazie. Yess! Wala ng--



Bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok ang hinihingal na si Ma'am Grazie.Aw,tadhana pinaasa mo naman ako o baka sadyang assuming lang ako.


" Sorry I'm late." she said after she composed herself. Nilibot niya ang paningin sa buong klase.


Ginaya ko siya at nakita ang iba't-ibang reaksiyon ng mga kaklase ko. Ang iba'y mukhang nadismaya dahil dumating si ma'am. At dahil bagsak ang balikat nila ay unti-unting dumadausdos pababa ang strap ng bag nila. Ang iba naman ay halatang inaantok na at gusto ng matulog. Wala akong nakitang natutuwa sa biglang pagsulpot ni ma'am bukod na lang sa laging nakangiting si Lace.


"Don't worry this won't be long. I'll just give you an activity." pagkatapos noon ay nagsulat na siya sa board.

'Summarize chapter 3 pg. 67' that's what she wrote.


Umani iyon ng angal sa mga kaklase ko. Katams. Gusto ko sanang mangopya pero nangako ako sa sarili ko na papanatilihin ko ang scholarship ko sa abot ng makakaya ko kaya kailangang gawin ko ang best ko. Inilabas ko na ang libro ko ng muli nanaman siyang magsalita.

" If you have any questions you can see me at the guidance office. And if you're done just pass it to Lacey,our class president.Ciao!" she said.

"Guidance? Bakit doon pupunta si ma'am?" tanong ng isa kong kaklase.

" Baka may ginawa siyang kalokohan or something." another one butted in.

" Pede.." the former speaker replied.

" Ay! napanood ninyo ba yung paghuli sa ex-principal natin?" dagdag ng isa ko pang kaklase.

" Oo nakita ko iyon. Trending nga e. Ano ba ang ginawa ng principal natin?" sagot ni Annie.

" Gusto ninyo bang mapanood?" makahulugang sambit ni Ellington. Yep, siya yung zombie na nakalaban ko sa p.e

"E binura na iyon e!" sabat ni Tiffany.

" Tsk. Siyempre na save ko na iyon. Ito oh!" pagkawika ni Ellington noon ay nagkumpulan ang mga kaklase ko sa kaniya pwera na lang sa mga hindi tsismoso't tsismosa kasama na kaming tatlo nina Robs at Lace. Pustahan marami pang nakasave na video sa phone niyan.


Habang binabasa ko ang chapter 3 ay mabilis ang tibok ng puso ko. Sana hindi nila malaman na kami ang nakatuklas sa ilegal niyang gawain. Hindi pa kami nakakausap ni Ma'am Grazie o kahit sino na nagtatrabaho dito sa school ukol sa nangyari. Ang pulisya palang ang kumuha ng statement namin.


Makalipas ang sampung minuto ay natapos ko na ang pina-activity ni ma'am. Ang ingay dito sa room. Imbes na gawin nila ang ibinigay ni ma'am ay nagpasahan lang ng kung anu-anong video. Halata kasi sa tawa ng mga lalaki na kabastusan ang inaatupag nila.

Tumayo ako at lumapit kay Lace. Wala namang sinabi si ma'am na bawal lumabas, diba?

" Lace, mag-c-cr lang ako." tumango lamang siya biglang tugon.

Habang pababa ako ng hagdan ay may nabangga ako.Parang nag-slowmo ang lahat. Wala bang sasalo sa akin tulad ng mga eksena sa wattpad? Mukhang wala nga dahil unti-unti kong nang naramdaman ang sakit.  Dahil sa impact ay tumama ang likod ko sa railings. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

OhanaWhere stories live. Discover now