Chptr 4 : Froglet

7 0 0
                                    

Z's P.O.V


SUNDAY


Mag i-isang linggo na ang nagdaan matapos ang unos. Isa ako sa kabalyerong nagtagumpay sa labanan at naka-uwi sa sariling pamilya.


 Muli bang lalaban ang kabalyero?


 Paano kung hindi na siya muling makabalik?


Paano kung--


" Ate, pahiram nung remote nanunuod ako ng basketball e!," sabi ni Luke na siyang pumutol sa aking moment.


"Mamaya na. Patalastas pa naman e. Eto muna mas maganda tong game show!," sambit ko. Ngunit kami ay mga Felix nasa dugo namin ang kakulitan.


"Amin na sabi!" pagkasabi niya noon ay inilayo ko ang remote.


Nagsimula na kaming magrambulan. ROUND 1, FIGHT!



Akmang kakagatin ako ni Luke ngunit nasiko ko siya. Napaatras siya kaya sinipa ako. Ginantihan ko naman siya ng combo kick.


"Aray!" sabay naming wika. Remind me again na mas malusog ang katawan at mas matigas ang buto niya.


ROUND 2, FIGHT!


Hinablot niya ang remote sa akin ngunit mahigpit ko iyong hinawakan.Konti na lang.Konti na lang--- Kinagat ko ang kamay niya kaya tinulak niya ang ulo ko.


"Wag sa ulo.Sinabi ko na iyon sa iyo diba!" bulyaw ko sa kanya.


"Amin na kasi yung remote!" sagot niya. Pagkatapos noon ay muli niyang hinila ang remote. Sinubukan kong hampas hampasin ang baraso niya pero hindi umubra. Aha! Ang kanyang weakness. Kiniliti ko siya sa leeg na naging dahilan ng pagbitaw niya sa remote at pagsipa sa akin. Para patigilin siya sa pagsipa ay sinabunutan ko siya.Naging resulta lamang iyon ng pagpapaulan niya sa akin ng mas malalakas na sipa.


Sa kalagitnaan ng round 2 ay pinatigil na agad kami ng referee.


"Ano na naman ba ito? Z, ikaw ang ate diba? Ibigay mo na iyan sa kapatid mo." sabi ni mommy.


"E patalastas pa naman ah tsaka reply naman na iyon." sabat ko.


"Akin na kasi!"


"Ayoko nga!"


"Ate!"


"Bu-luke!"



"Tigilan niyo na nga iyan!"sabay kuha ni mommy sa remote at pinatay ang TV.



OhanaWhere stories live. Discover now