Chapter 1

85 0 0
                                    

MAVIS' POV

zzzzz...zzzzz...zzzzz...zzzzz...

♪ Kringgg...Kringgg...Kringgg...♪

Ugh. 

Nanatili akong nakahiga at nakapikit habang kinakapa ko ang alarm clock sa may side table.

*kapa. kapa. kapa.*

"Tss. Asan ba yun?!"

*Blaggg*

Nahulog ang alarm clock kaya naman bumangon na ako para limutin iyon dahil kanina pa akong naririndi. Pinatay ko agad iyon at tiningnan ang oras. 

"7:30 am lang pala. "

Ibinalik kong muli sa side table ang nahulog na alarm clock at naupo sa gilid ng kama.

Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwartong iyon at muli na naman akong namangha.

Malawak..

Maganda..

Malinis..

Malaki ang kama..

May sariling banyo..

May walk-in closet pa na puno ng mamahalin at branded na mga damit at sapatos..

*sampal. sampal.*

Sinampal ko ang magkabila kong pisngi. at CONFIRMED!! Hindi ako nananaginip. Totoo ang lahat ng ito. Hindi ko akalaing yayaman ako ng ganito. hahahaha..

Kung paano nangyari ito...

*FLASHBACK*

 3:00 pm.

Katatapos ko lang magtrabaho sa carinderia ni Aling Suzy sa may palengke. Mamayang 5:00 pm naman ay magsisimula na ang trabaho ko bilang waitress sa isang bar. Kaya naman pumunta muna ako sa malapit na park at napagpasyahan kong umidlip lang kahit isang oras. Pinili kong maupo sa bakanteng bench sa ilalim ng puno. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata at pinakiramdaman ang paligid.

"Hayyyy..  Ang sarap sa pakiramdam."

Saglit akong nakaramdam ng kaginhawaan. Ala-una na ng madaling araw nang makauwi ako sa bahay galing sa trabaho ko sa isang convenient store at umailis din ng alas-tres dahil pupunta na ako sa carinderia na pinagtatrabahuan ko sa palengke kaya naman kulang ako sa tulog.  Sobrang sakit ng katawan ko at malaki na rin ang nabawas sa timbang ko. Tsk.

Mamaya pagkauwi ko ay sasalubong na naman sakin ang sari-saring problema. Dalawang buwan na kaming di nakakabayad ng upa sa bahay. At kagabi pa hindi kumakain ang dalawa kong nakababatang kapatid. 

16 years old lang ako nung ang tatay namin ay namatay sa cancer. Hindi man lang namin siya napatingnan sa doctor dahil sa pagkain pa lang ay kulang na kulang na kami kaya naman lumubha ang sakit niya at namatay din kaagad. 

Si nanay na lang ang naiwan samin. Lahat na lang ng trabaho ay pinasukan niya at lahat ng yun ay legal. Naawa ako sa kanya kasi gabi-gabi na lang siyang umiiyak. Kaya naman napagpasyahan kong tumigil na lang sa pag-aaral at nagtrabaho para matulungan ko si mama. Pero dumating ang araw na nagpakamatay si nanay. Marahil ay hindi niya na nakayanan ang hirap ng buhay. Kaya naman bilang panganay saming tatlong magkakapatid, ako ang tumayong nanay at tatay sa kanila. Tuluyan ko nang isinuko ang pangarap kong makatapos ng pag-aaral. Magdamag akong nagtatrabaho para makapag-aral sila at hindi matulad sakin na hindi nakatapos ng pag-aaral.

Wanted: Proxy BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon