chapter 56: meet the princess

21.8K 636 28
                                    

Hanz POV

Umupo naman kami..

Nag si upuan naman lahat ng mga hari't reyna sa kani kanilang upuan kasama sya..

Nagpasalamat naman ang mga magulang namin at nag abot ng pakikiramay...

Tumayo naman sya sa gitna at kinuha na yung mike

'Una sa lahat gusto kung magpasalamat sa inyo, dahil kung hindi nyo napatay ang dark king hanggang ngayon siguro nananatili pa ring naka tulog ang aming kaharian' -naka ngiti namang sabi nya

Nakalimutan mo na ba na ikaw ang naka patay sa kanya?

'Lalong lalo na sa mga royalties ng academy na to, na malaki ang naiambag sa labanang nangyari' -dagdag pa nya

Napailing naman ako..

'Kaya bilang tanda ng pasasalamat ay inaanyayahan namin kayo sa buong kaharian sa gagawing piging, na gaganapin sa katapusan ng linggong ito' -sabi naman niya

Pati pag sasalita mo naging makaluma na rin

Pagkatapos naman nun nag si alisan na ang mga magulang namin..

Agad-agad naman kaming bumaba at hinabol sila..

'Mom, Dad' -tawag ni claire ng nasa labas na kami ng open grounds at medyo malayo sila samin

Agad naman silang lumingon kasama na sya..

Ngumiti naman ang mga magulang namin at niyaya kaming lumapit...

'Mahal na haring illaijah ito pala ang aking kambal na anak sina hanz at jhanz', -pakilala naman samin ni ama..

Ngumiti naman ang hari at inabot ang nya

'Ikinagagalak kong makilala kayo iho' -sabi nya habang nakikipag shakehands

'Kami rin po' -sabay naming sabi ni jhanz

'Ah ito naman ang aking anak si ilyusha' -sabi nya

'Ikinagagalak kong makilala kayo' -sabi nya ng nakangiti

Inabot ko na rin ang kamay nya..  'Ako rin ikinagagalak kong makilala ka'

'Punta kayo sa gaganaping handaan sa kaharian namin ha' -sabi nya bago tuluyang tumalikod

Atleast nakuha nya yung ugali na yun ni eren..

----------------//////////////////

Araw ng pagdiriwang..

(3rd person's POV)

Lahat excited dahil ito na ang araw na pinaka hihintay ng lahat ang araw na makakapunta sila sa legendary kingdom..

Lahat magagara ang damit at maayos magsalita..

Dahil lahat ay ayaw mapahiya..

Naibalita na rin na ang dating nakatagong kaharian ay ngayon maayos na at naibalik na ang dati nitong matiwasay na pamumuhay..

Isa-isang dumating ang mga bisita sakay ng kanikanilang sasakyan,

Kabayo, kotse o karwahe..

Nang makarating na lahat agad namang nag simula ang pagdiriwang..

Hanz POV

Nagsisimula na ang pagdiriwang pero wala pa ang hari at reyna pati na rin ang prinsesa..

Emcee lang ang nagsasalita sa harap..

Pinaupo naman kami sa isang pabilog na upuan na may walong upuan..

Pero pito lang kami?!

'May I have your attention please' -sabi naman ng emcee

Tumahimik naman ang lahat at natuon ang atensyon ang sa harap

'Gusto ko lang i acknowledged ang pagdating ng mahal na hari't reyna' -emcee

Tumayo at nag bow muna kami bago nag palakpakan..

Nakangiti namang lumapit ang reyna sa emcee.. At kinuha ang mike

'Maraming salamat Phillip, ngayon ipinakikilala ko naman sa inyo ang aking napakagandang anak' -sabi naman ng reyna

Lumabas naman si eren o illyusha na nakasuot ng magandang kulay puting damit at nakangiti..

Pagkatapos nun nagsimula na ulit magsaya ang lahat may disco rin naman kaya napa kaingay talaga..

May umupo naman sa extra chair sa tabi ko..

Nag angat naman ako ng tingin at nanlaki ang mga mata ko...

'Daxus?' -tanong ko

'Long time no see guys' -sabi nya at ngumiti ng bahagya

'So andito ka lang pala' -sabi ko

'Yeah, ihanda nyo ang mga sarili nyo' -sabi nya bago tumayo at umalis..

Anong ibig sabihin ng lokong yun??

Bigla namang nàg dim ang ilaw kaya napa tingin kami sa harap...

Nakatayo si ilyusha (di ko alam ang itatawag sa kanya) sa harap at may hawak na mike..

'May gusto lang akong ipakilala bago matapos ang gabing ito..' -pag -uumpisa nya

'Ang babaeng tumupad ng itinakda para sakin, ikinagagalak kong ipakilala sa inyo ang aking kapatid' -naka ngiti namang sabi nya

May bumaba namang babae na naka gintong damit at may mahabang buhok na kulay puti, at may bughaw na mata..

Agad naman akong napatayo..

Eren??

--- end of chappie ---

Ang explanation sa next chappie...

ZENDIRIA ACADEMY: heart of ice (Completed)Where stories live. Discover now