chapter 48: searching myself prt.2

22.7K 671 41
                                    

Eren's POV

Ayon sa sinabi ni dax, sa end of the world raw mahahanap ang legendary kingdom..

Like what the hell..

Saang lupalop ko naman kaya hahanapin ang katapusan ng mundo?

Hindi naman ako pweding mag tanong baka mapag kamalan naman akong baliw..

Syempre sino ba naman ang hindi? Kaw kaya maglakad-lakad at magtanong kung nasaan ang katapusan ng mundo?

Nagpahinga lang ako sa isang puno at naglabas ng tinapay..

After kung kumain nag simula na uli akong maglakbay..

Kung ang dinaanan namin noon ay ang pakanan para maka punta sa mga village this time sa opposite side ako dumaan..

Sabi sakin ni daxus hayaan ko raw ang sarili ko na maligaw para mahanap ko ang pupuntahan ko..

Kaya wala akong dalang mapa, compass at kung ano-ano pa..

Pero bakit yata, ang daming alam ni daxus? Posible kayang alam nya ang lahat?

Hindi naman kasi dapat ganon ang inaasahan kong sagot nya sa tanong ko..

Gusto ko lang talaga malaman kung sino ako, kung pano ako na punta sa pangangalaga niya at kung saan ako galing..

Pero nagulat ako sa naging sagot nya sakin..

May alam pala sya, matagal na pala niya akong niloloko simula ng magkamalay ako sa ospital.

***flashback 2 yrs. Ago***

3rd person's POV..

Masayang nag kukulitan ang mag-asawang lee habang nagmamaneho ang driver nila ng biglaan itong magpreno dahilan para mapa sob-sob ang mga ito sa unahan ng sasakyan..

'Manong kiram may problema po ba?' -tanong ni mrs. Silvia Lee sa driver nila..

'Naku ma'am may dalawang tao po sa daan' -sagot naman ng driver nila

'Manong kiram naman wag kayong magbiro ng ganyan, pano magkakaroon ng tao sa daang to eh private road to at isa pa malakas ang ulan' -sabi naman nito

'Sigurado ako- naputol ang sasabihin nito ng may marahas na kumakatok sa windshield ng sasakyan agad namang binuksan iyon ng driver nakita naman nila ang isang binatang lalaki habang karga karga nito ang isang dalaga

'Tulong, tulongan nyo kami ng pinsan ko' -pagsusumamo nito..

'Kiram buksan mo ang pinto dali' -utos naman ng mister nya

'Dali pumasok kayo bata' -sabi naman ng driver at dali-dali namang pumasok ang binata..

'Naku iho ano bang nangyari sa inyo ng pinsan mo?' -tanong naman ni silvia

'Kinailangan po naming lumayo para sa kaligtasan nya' -sabi naman ng lalaki sabay turo sa babae na walang malay

'Naku iho, inaapoy ng lagnat ang pinsan mo, kailangan natin syang dalhin sa ospital, manong kiram paki bilisan' -utos naman ni silvia

'Opo ma'am' -sabi naman ng driver at saka binilisan ang takbo ng kotse..

Dali-dali namang inasikaso mg mga doktor ang pasyente dahil maimpluwensya ang mag asawang Lee..

Inabot naman ng tatlong araw bago magising ang dalaga pero laking gulat ng lahat dahil wala itong naaalala, kahit anag mga doktor ay hindi maipaliwanag ang nangyari kung pano ito nag ka amnesia sa simpleng lagnat lang..

Si daxus naman ang nagpakilala sa kanya sya rin ang nag sabi na tianarie ilyusha eren williamsmith ang pangalan nya at magpinsan raw silang dalawa..

Namatay raw sa isang car accident ang mga magulang nila pero di na iyon idinitalye ni dax sa kanya..

Hinayaan nya na lang dahil ayaw nyang pag ugatan yun ng away nilang magpinsan..

Si daxus rin ang nag sabi na hindi raw sila ordinaryong tao..

Pero hindi ito pala kwento ng nakaraan niya..

Simula ng magising siya si daxus na ang nasatabi niya, ang nag-alaga at nagmahal sa kanya pero hindi nya lubos maisip na marami rin itong itinatagong lihim sa kanya...

*** end of flashback***

Ngayong naiisip ko ang nakaraan bakit nga ba hindi ko naisip na baka noon palang ang dami nang itinatago sakin ni dax..?

Napailing nalang ako..

Nagpalinga-linga naman ako..

Wait? Asan na ako? Sa kaka flashback ko di ko na maisip kong asan ako galing..

Lumingon ako sa likod ko wala ng daan dun..

Ibig sabihin lumayo ako sa main road..

Wait, sabi ni daxus hayaan ko lang daw na maligaw ang sarili ko..

Naglakad lakad na lang ako, it's no use kung mag pa-panic ako..

Napatingala naman ako sa langit

Gabi na ba? O talagang napaka sukal ng gubat na to na pati ang sinag ng araw ay natatakpan..

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad sa kawalan..

Napatigil naman ako ng makaramdam na may paparating..

Umakyat naman ako sa isang malagong puno at doon nag tago..

Ang daming kawal ang nakikita ko na nag e-ensayo..

Mga kawal ng dark kingdom..

Crap.. Sa dinami-daming lugar bakit dito pa..

Anong gagawin ko? I can't stay here forever..

I can't fight them masyado silang madami..

Naka isip naman kaagad ako ng plano..

Kinontrol ko ang isang nakatumbang puno at pinalipad papunta sa isang malaking puno making an impact..

Agad-agad naman silang lumapit dun kaya bumaba na ako at nagsimulang tumakbo pero bago pa ako makalayo may nakabanggaan akong isang lalake pareho kaming natumba..

Fu*k.. Agad agad naman akong tumayo at tumakbo..

'Mga tol may babae rito' -nag echo naman sa buong gubat ang sigaw nya..

sh*t, sh*t..

Patuloy lang ako sa pag takbo at hindi lumingon.

Alam kong madami na ngayon ang naghahabol sakin..

Napatigil naman ako sa isang bangin..

Ito na bang katapusan ko?

Napatingin naman ako sa ilalim hindi ko makita ang ilalim dahil sa natatabunan ito ng fog or mist..

Napaharap naman ako sa kanila..

'Sh*t ang bilis mo palang tamakbo miss' -sabi ng lalake habang nakahawak sa dalawang tuhod

'Wala ka ng tatakbuhan miss, kaya sumama ka nalang samin' -sabi naman ng isa

Pagnahulog ako dyan sigurado akong patay ako..

'Wag mo nang iisipin na tumalon dyan dahil walang katapusan yan, yan raw ang tinatawag na end of the world' -sabi naman ng isang lalake habang nakangiti pa

'Salamat sa impormasyon' -sabi ko bago tumalon...

--- end of chappie ---

ZENDIRIA ACADEMY: heart of ice (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum