Bakit hindi pwedeng maging Tayo?

53 6 1
                                    

"Happy birthday, Rebecca" masayang bati sa akin ni Keziah na talaga namang nakapagpangiti sa akin.

Buti pa siya naalala ang kaarawan ko, samantalang ang magulang ko? Ayon busy parin sa kanilang trabaho sa ibang bansa, pero naiintindihan ko naman sila.

"Salamat." wika ko sabay ngiti sa kanya. Nandito kami ngayon sa silid-Aklatan kaya 'di gaanong maingay, hilig ko kasing Tumambay dito kapag oras ng Breaktime.

"Balita ko may bago tayong kaklase." sambit nito na talaga namang nakuha ng atensiyon ko. "Interesado ka 'no? Ayiee." pangangantyaw nito.

"Sorry, but i'm not interested." pagtanggi ko sa kanya.

Lumabas nalang ako sa Library dala ang hiniram kong libro at napagpasyahan kong pumunta sa likod ng building. Wala naman na sigurong manggugulo sa akin doon.

Gusto ko ng Tahimik na Lugar, Gusto kong mapag-isa. Kung bakit? hindi ko din alam kung anong nangyayari sa akin.

"Aray!" Tanging salitang naiusal ko bago ako bumagsak sa Lupa habang ang mga Libro'ng hiniram ko ay nakakalat sa paligid ko.

"Sorry miss." tumingala ako at nakita ko ang gwapo at maamong mukha ng isang Lalaki. "Tulungan na kita."

Habang pinupulot namin ang nagkalat na Libro, 'di ko maiwasang mapatitig sa kanya. Akala ko susungitan niya ako kagaya ng mga nababasa ko, pero Magkaiba pala siya sa inaakala ko.

"Ako pala si Vince, ikaw?" pagpapakilala nito.

"R-rebecca." Nahihiyang tugon ko bago iniabot ang kamay niya. Nang magdampi ang palad naming dalawa, parang ilang libong Boltahe ang dumaloy sa katawan ko. Feeling ko na 'love at first sight' ako.

Hindi naman ako naniniwala sa Love at first sight pero no'ng makita ko ang lalaki na ngayon ay nakatayo sa harapan ko. Nilunok ko lahat ito.

'Ano ba'ng nangyayari sa akin?' 'Di ko maiwasang maitanong sa sarili ko.

"You're beautiful." nakangiting wika nito dahilan para mamula ang mukha ko, kaya nag-iwas na lamang ako ng tingin.

"Nakakahiya." Mahinang  tugon ko na alam ko namang 'di niya maririnig iyon. Nag-Ring na ang bell, sign na tapos na ang Break time.

Sabay kaming nagpunta ni Vince sa Classroom dahil magkaklase kami. Yeah! Siya ang tinutukoy ni Keziah na Transferee. Kabilis nga namang makasagap ng balita ang babaeng iyon.

"Rebecca sino siya? 'wag mong sabihing..." tanong ni Kylie dahilan para maibato ko sa kanya ang isang Libro'ng hawak ko.

"Hindi." Tipid na sagot ko bago umupo sa upuan ko. Dumukmo na lang ako at hinintay ng dumating ang aming guro.

Makalipas ang Ilang Araw at Buwan, nandito ako ngayon sa Rooftop. Tinitignan ang mga estudyante mula sa ibaba na naglalakad patungo sa kanilang mga Silid-Aralan. Ilang buwan na lang din at nalalapit na ang Buwan ng pagtatapos.

"Bakit wala ka pa sa room?" wika ng isang lalaking napakapamilyar sa akin ng kanyang tinig.

"N-nathan..." nauutal na sambit ko bago lumapit sakanya.

"Anong ginagawa mo dito? bakit wala ka sa library kanina?" Pagtatakang tanong nito bago hawakan ang kamay ko.

Compilation Of My Written Works Where stories live. Discover now