Chapter 21: Mistakes

Magsimula sa umpisa
                                    

"Zac, ikaw ang dahilan kung bakit tayo nagwagi. Ikaw na ang humiling." Nakangiting sambit ni Zhraine.

"But..."

"Sang-ayon kami Zac. Ikaw na ang humiling. Kahit ano." Sambit rin ni Ycezy. Isa lang ang nasa isip kong hilingin. Isang hiling na sa tingin ko ay makabubuti sa amin... Isang hiling na magpapatigil ng mga patayan.

"Hiling ko na... TANGGALIN ANG SLAUGHTER PARTY." Sambit ko na gumulat sa lahat ng tao sa kwartong iyon. Kita ko ang biglang paglaki ng mga mata ni Madam Slaughtery dahil sa pagkagulat. Napakatalino ko.

"Iyon na ba? Ok! I, Herra May Slaughtery, the head teacher of this school, is now removing the Slaughter Party and from now on, No Bullying, No Gang Wars, No Tortures and No Murders must happened at Night Time." Nagsasalita siya habang nakatapat ang isang maliit na mic sa kanyang bibig. Hula ko, nakakonekta ito sa mga speaker ng school kaya rinig ito sa buong building. Dinig ko ang mula sa aking kinatatayuan ang sigawan ng mga estudyante sa labas. Mga sigaw ng kaligayan. Sino bang ayaw na mawala ang Party na 'to?

Dito na... Dito na matatapos ang lahat-lahat ng paghihirap di lang ng class 1-S kundi ng buong school. Ok na ang lahat.

"Napakatalino mo talaga Zac." Sambit ni Dave. Lumingon ako para makita ang mga reaksyon nila. Ang iniexpect ko ay isang masayang mukha ang aking mga makikita pero... Mali... Mali ako. Oo, nakangiti nga sila pero iba ang tingin ko sa mga ngiting iyon. Mga ngiti at titig ng mga demonyo. Bakit? Ayaw ba nila sa hiniling ko? Pati si Zhraine... Lahat sila ay mayroong magkakatulad na reaksyon. Nakaramdam ako ng takot sa aking buong katawan. Ano ito?

"Zac?... Mukhang... nagkamali ka ng hiniling..." Bitin na sambit ni Charlotte habang unti-unting humahakbang palayo.

"Bakit mali?" Tanong ko.

"Kung... iniisip mo na... na tapos na ang lahat then you're mistaken! You just unleashed the demons hiding deep inside them!!! Tanga ka Zac! Naloko ka nila ng hindi mo namamalayan. Hindi 'to pwedeng mangyare! Malapit na... Malapit na ang katapusan!!!" Sigaw siya ng sigaw habang tumatakbo palabas ng opisina ni Madam Slaughtery. Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya. Mukhang napapraning lamang siya pero... Sa itsura alam niya ang mga lumalabas sa kanyang bibig. Kita ko rin ang takot sa kanyang mukha.

"Anong nangyare sa kanya? Napapraning na naman. Gosh!" Natatawang sabi ni Ycezy.

"Wag mo siyang intindihan Zac." Sabi sa akin ni Zhraine. Agad na naging mahinahon ang aking pakiramdam ng siya ang magsabi noon.

"Ok." Sambit ko kahit na medyo naguguluhan pa ako sa mga nangyayare.

"Sige, pwede na kayong umalis. Hulihin niyo 'yong baliw niyong kaklase ha." Sambit ni Madam. Naglakad na kami palabas ng opisina niya at ako, lumabas ako dala-dala ang mga katanungan na hindi ko masagot-sagot.

"And one more thing Zac, Wag mo sanang pagsisihan sa huli na... ganito ang hiniling mo." Muli nitong sabi. Wait, the way she talks... parang pamilyar ang paraan ng panalita niya. Saan ko nga ba 'yon narinig? Ahhh... Nevermind.

..........

Ang malakas na tunog na iyon ng alarm clock ang gumising sa'kin mula sa mahimbing kong pagtulog. Bumangon ako at tiningnan ang oras. 8:56am, ang aga pa pala. Wala kaming pasok dahil ginagawa pa ang nasira naming classroom. Maraming bakanteng classroom pero hindi kami pumayag na magklase sa iba... pero isa lamang itong palusot. Gusto muna naming magpahinga.

Sa loob ng isang gabi, lahat kami ay mga naging mamamatay tao. Hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang takot na animo'y bumaon na sa aking puso. Hindi parin talaga ako makapaniwala na pumatay kami ng isang buong section, hindi dapat ganito ang nangyare. Ganito rin kaya ang nararamdaman nila? Sana oo. Dahil kung masaya sila sa nagawa namin... Totoo nga talagang mga demonyo sila. Sana panaganip nalang ang lahat.

Battles Of The Gifted OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon