Chapter 20: The War Begun

Start from the beginning
                                    

"Ok." Sagot ko. Naiwan kami ni Vincent sa labas. Katabi ko lamang siya. Hinabol ko ng aking tingin ang mga kaklase ko habang papasok sila sa classroom at rinig na rinig ko ang kanilang mga bulungan.

"Wag na kayong magtago."

"Papatayin na namin kayo."

"Kapag nahanap niyo na sila, itira niyo sakin 'yung lalaking sumampal sa akin kanina!" Sigaw ko sa kanila pero... Bigla na lamang akong natumba dahil sa isang malakas na pagsabog. Aray... ang sakit ng ulo ko. Ramdam kong nagdurugo ito dahil sa sakit. Tumama ata 'tong ulo ko sa sahig. Ang labo ng paningin ko at sobrang sakit ng kaliwang mata ko. Kinuha koang salamin sa aking bulsa upang tingnan ng aking mukha... Huh?! Anong nangyare sa mata ko?!

"Ahhhhhhh!!!!!!" Napasigaw ako ng makita ko ang dumudugo kong mata.

May nakatusok na wire sa kaliwang mata ko. Ang sakit! Biglaan ko itong hinila para mabawasan ang sakit pero mas lalong tumindi ang sakit at pagdurugo nito. Dahan-dahan akong tumayo habang takip-takip ko ng aking isang kamay ang dumudugo kong mata. Pakiramdaman ko na mamamatay ako dahil sa sobrang sakit. Tiningnan ko ang aking katawan. Puro bahid ng dugo ang uniform ko at puro galos at sugat ang mga braso't binti ko.

"Vincent?" Tawag ko sa pangalan niya ng may pagtataka. Nakahandusay siya sa aking tabi at mukang okay lang naman siya. "Mabuti nalang at buhay... Ahhhhhh!!!!" Hindi ko na naituloy ang aking sinasabi at napasigaw ako ng makita kong butas ang kanyang tiyan. "Vincent?! No...! Hindi ka pwedeng mamatay! Ikaw ang presidente namin!" Hindi na siya humihinga kaya naman alam kong patay na siya. What the heck is happening here? Pinagmasdan ko ang paligid. Nawasak ang classroom ng class 1-S at nakakakat sa paligid ang mga parte ng katawan ng mga kaklase ko sa paligid dahil sa lakas ng pagsabog. Patay na silang lahat. Napahawak ako sa aking bibig dahil sa aking mga nakikita. Hindi ko mapigilang masuka. Nakakadiri.

"Hindi 'to pwedeng mangyare!" Sigaw ko kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.

Hindi ko parin matanggap na natalo kami ng mga taong 'yon. Gusto lang naman naming tapusin ang paghihirap na matagal na naming nararamdaman at ngayon... Patay na silang lahat. Ito na ba? Ito na ba ang katapusan? Sumandal ako sa pader na aking nasa tabi. Anong gagawin ko? Ako na lang ang nag-iisang buhay! Nakatatakot akong mag-isa.

"Hindi!!!!" Pilit akong sumigaw hanggang sa mapagod na ang aking lalamunan.

Nagkamali kami ng kinalaban. Masyadong mabilis ang mga pangyayare pero sigurado akong isa itong patibong na ginawa ng mga estudyante ng class 1-S. Nahulog kami sa bitag nila. Alam nila na iisipin naming nagtatago silang lahat sa loob ng classroom dahil sa smoke screen pero ang totoo ay wala naman talaga sila roon kundi ang mga bomba lamang. Napakatalino. Wala man lamang kaming napatay ni-isa. "Sige na!!! Lumabas na kayo kung san man kayo nagtatago! Patayin niyo narin ako ng matapos na 'to!" Sigaw ko.

"Wala sila rito." Sambit ng isang babae habang naglalakad palapit sa akin. Hindi ko siya kilala at alam kong hindi rin siya isang S student.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"On the way na silang lahat para patayin ang puno't dulo nito. Nagalit ng husto si Zac kaya wala siyang ititira." Sagot niya sa akin habang pinaglalaruan ang naka-braid niyang buhok. Hindi naman talaga naka-braid ang lahat ng buhok niya, nakalugay din siya.

"Wait, sino ka ba?" Muli kong tanong.

"Haize Perez, that's my name." Pagkarinig na pagkarinig ko ng pangalang iyon, nagsimula na akong tumakbo palayo sa kaniya dahil sa takot. Ramdam ko ang agad na pagbilis ng tibok ng aking puso. Siya ang Puppeteer of Death... At hindi siya magsasayang ng oras na kausapin ang isang tao kung 'di niya papatayin ito. Kita kong kinuha niya ang chainsaw na kaninang nasa akin. Binuhay ito at hinabol ako.

Battles Of The Gifted OnesWhere stories live. Discover now