Special Chapter: Shan Enesio

1.6K 14 3
                                    


Calvin.




Nag mamaneho ako ngayon papunta sa kasal ng isang close friend. Medyo malapit naman na yung simbahan and sa totoo nga lang kaya ng takbuhin.




Ba’t ko naman tatakbuhin, diba? Ma-rape pa ako diyan.




“Excuse me!” Napatingin ako sa babaeng kumakatok sa bintana ng BMW ko. Shit! Ba’t niya kinakalampag yan! Baka magasgasan!




Dahan-dahan kong binaba ang bintana at sinalubong siya ng masamang tingin.




“Sino ka?” I asked.




“Pwede ba pahatid sa simbahan? Yung unang simbahan diyan? Malelate na ako! Bride’s maid pa naman ako. Sige na please?” Pag susumamo niya pa. Napa-irap ako.




Who is she para sumakay sa sasakyan ko? Baka mamaya budol budol yan.




“No way!” Sigaw ko at tangkang isasarado ang bintana nang ilusot niya ang kamay niya doon at inabot ang lock saka binuksan ang pinto. Damn, girl!




“What are—”




“Tara na! Laters loosers!” Napa-ismid ako.




“Ano?” Tumawa siya.




“Basta yun yon!” Nag seat belt pa siya at nag lagay ng face powder sa mukha at nag lip gloss.




Well, di naman mukhang kriminal. Pinaharurot ko na agad ang sasakyan ko. Napatili naman siya sa ginawa kong pag papaandar.




“Kung mag papakamatay ka, mag bigti ka na lang! Wag ngayong may kasama ka!” Kapit na kapit pa siya sa hawakan.




Nang makarating kami sa simbahan bumaba na ako kaagad. Nag taka naman siya kaya saglit niya akong tinignan.




“Dito ka din?” Tanong niya pa.




“Tss. Wag mo nga akong kausapin! Pumasok ka na doon, mag sisimula na yung kasal.” Inip na sabi ko at inayos ang neck tie ko. Feeling ko kasi nasasakal na ako.




Papasok na sana ako sa loob nang makita kong naka kagat labi siya habang diretso ang tingin sa ikinakasal. Buti walang nakakakita sa amin dito sa labas.




Ba’t ba di ko magawang iwan tong babaeng to?




“Ano pang tinatanga mo diyan?” Tanong ko habang naka pamewang sa kanya. Tumingin lang siya sa akin at bumuntong hininga.




“Wag na.” She smiled bitterly.




“Anong wag na?”




“Di ko pala kaya.” Tumulo naman ang luha niya. Nagulat ako doon kaya hinila ko siya palayo sa simbahan.




“Umamin ka nga..” Sabi ko nang makapasok na kami ulit sa sasakyan ko.




Tumingin siya sa akin at ngayon, hindi na matigil ang luha niya.




“Masusunog ka ba pag pumasok ka sa loob?” Tanong ko. Agad namang nag-bago ang facial expression niya sabay hambas sa akin ng maliit niyang bag.




“Gago! Ex ko yung kinakasal!” And at that, humagulgol siya.




“Ex mo pala tapos pa-bride’s maid bride’s made ka.” Di ko na napigilan ang tawa ko kaya naman mas lalo siyang nagalit.




The Playboy's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon