TPG 013: LQ Is Real

1.4K 24 1
                                    

Chapter 13 - Love Quarrel

Ako na, ako na talaga ang pinaka walang kwentang boyfriend sa buong planeta first weeksarry namin kinalimutan ko pa? look how dumb I am.

"Sino ba namang hindi mag tatampo nun?" sabi ni Sander habang natatawa tawa pa.

Nakikita ko si Ky dito sa school pero tinitignan nya lang ako, di sya lumalapit sakin ni hindi ako nginingitian.

"Kasalanan ko to eh, dapat hindi ko kinakalimutan yun" how stupid boyfriend I am? napaka tanga ko at pati yun nakalimutan ko.

"Ano naman kung makalimot ka? mahal mo ba? di naman diba?" I looked at David.

Gusto kong balewalain yung first weeksarry namin kahapon yung pag tatampo nya gusto kong dedmahin yung effort nya gusto kong sayangin, but here's the one word, hindi ko kaya.

"Baliw ka ba? pano kung makipag hiwalay yan si Ky? edi goodbye porsche!" sabi ni Sander.

Dapat kasi umabot kami kahit monthsarry lang para makuha ko yung sasakyan, pero bakit ganon? bakit parang wala na akong pakialam sa sasakyan na yun at halos gabi gabi iniisip ko kung pano sya hihiwalayan.

"Wag ka ngang maingay, baka marinig nya tayo" sabi ko habang nakatingin pa din kay Ky na busy sa pagkain.

Nakatalikod sya samin sya yung nasa first table tapos kami nasa second bale may harang sa gitna ng mga tables namin, diba? LQ na LQ ang dating.

"Puntahan mo kaya? try mong suyuin" sabi ni Harvey habang pinapaalis ako. Gago to ah? kitang kinakabahan na ko papalapitin pa ko? sakalin ko 'to eh.

"Ayoko! di ko alam sasabihin ko!" naiinis na bulong ko sa kanila.

"Ganito sabihin mo, sorry." napataas ang kilay ko sa sabi ni Sander.

"Sorry lang?" he nodded. I rolled my eyes as I stand up para lapitan sya.

Yung mga paa ko hindi nakikipag cooperate! nyeta! kinakabahan talaga ako eh, bakit ba ganito? pucha hindi naman ako ganito dati ah!

"I can't" sabi ko ng makalapit sa kanila. Tumayo naman silang apat at saka ako tinulak palapit kay Ky at eto naman ako nag pipigil na madala nila doon.

"Let me go!" sabi ko sa kanila pero ayaw nila ako bitawan.

"Pano kayo mag kakaayos nyan kung mag tititigan lang kayo?!" mag-- tititigan? I looked at Ky at nakatingin sya samin.

Inalis ko yung mga kamay nila Sander na nakahawak sakin at inayos ang damit ko. Mag sasalita na sana ako kaso naunahan ako ni Ky.

"Hayaan nyo sya kung ayaw nya." cold na pag kakasabi ni Ky sabay alis. I looked at them.

"Anong gagawin ko?" naiinis na tanong ko sa kanilang apat.

"Ikaw kasi eh, sabi ng suyuin mo" sabi ni Harvey with matching turo turo pa sakin.

"Sundan mo kaya uli doon? tatanga tanga ka kasi ayan." panenermon naman ni Sander. At bago ko pa pasabugin ang mga pag mumuka nila umalis na ako para sundan si Ky.

"Ky!"

"Kyline!"

Ng maabutan ko sya, I hug her at the back kaya napahinto sya sa pag lalakad.

"Ano ba?" naiinis na tanong nya habang kumakawala sa yakap ko kaya mas lalo kong hinigpitan.

"Sorry.." I whispered.

Pinatong ko yung baba ko sa balikat nya at mas hinigpitan pa yung yakap, I don't care kung may nakakakita samin dito ang tanging iniisip ko lang ay yakap ko sya and I'm comfortable.

The Playboy's GameWhere stories live. Discover now