TPG 008: Orders

1.5K 23 0
                                    

Chapter 9 - He's the Man but she's the Boss.

"I need to tell you something" sambit nya habang hawak hawak ang kamay ko.



"What is it?" tanong ko.




"I don't love him, sinabi ko lang yun para pag selosin ka kasi I know you I know Alcantara as I know Bernardo family marami sa inyo ay puro bad boy and nung napatunayan kong napag selos kita napatunayan ko na din na mahal mo talaga ako nung ginaya mo yung scene sa favorite kong story, you don't know how happy I am kaya Im so thankful na naging boyfriend kita"



"B-Boyfriend?" my heart is beating so fast. Parang nakikipag unahan yun sa kabayo.




"Sinasagot na kita Calvin, Im yours"




~

six days ago..

"Whooo! let's drink to that!" bulyaw ni Sander sabay taas ng iniinom nyang beer. Silang apat lang ang nag cheers at ako? wala iniisip ako si Ky.




Niloloko ko sya, sinasaktan ko sya ng unti unti pero di nya nalalaman pinag lalaruan ko sya ginagawa ko syang isa sa mga collection ko. Tss bakit naman ako maaawa? ginusto ko to so I need to go with the flow, lahat ng ginugusto ko ginagawa at pinaninindigan ko wala pa akong pinag sisihan kahit na isa.




"Okay ka lang dyan? malalim ata iniisip mo" tanong sakin ni Harvey. "You are supposed to be happy Calvin, sinagot ka na nya" I forced my self to smile.





"Iniisip ko lang si Ulan, hanggang ngayon kasi hindi pa namin nakikita kung anong nangyari sa mga test na ginawa sa kanya." Pagsisinungaling ko.





"Maski ako naman eh nag aalala ako sa kalagayan nya" sakto namang nag ring ang phone ko.




Patty Calling...


"Hello Patty?" nakita ko namang napatingin sakin si David. Baliw talaga sya kay Patty eh no?




"Si Raine, sinugod na naman sa hospital sumakit ng sobra yung dib dib nya" pinatay ko agad yung phone ko.




"Dito lang kayo, Harvey sumama ka sakin" sabi ko at agad tumayo si Harvey at sinundan ako yung tatlo naman naiwan sa bar.





"Anong nangyari?" Harvey asked as we entered inside the car.




"Si Raine, sinugod uli" nanginginig ang kamay ko habang nakahawak sa manibela.





"Shit. Ano bang nangyayari sa kanya" bulong ni Harvey pero narinig ko.





"Wag kang mag isip ng kahit anong masamang bagay, isipin na lang natin na may lagnat sya" sabi ko at pinark ang sasakyan ko sa parking lot ng hospital.




Bumaba agad kami at inalam ang room ni Raine agad naming pinuntahan yun at nakita namin sila Ate doon. Maraming nakakabit kay Raine at pakiramdam ko alam na nila ang sakit nito.





"Anong sakit nya?" I asked them while looking at Raine.




"May heart cancer sya kinakailangan nya ng heart transplant" sagot ni Patty sakin.




"No" maiksing sagot ko sa kanila while shooking my head.




"May heart donor na po ba?" tanong ni Harvey at sunod sunod naman silang umiling.





"Hindi naman daw kailangan na kailangan palitan ang puso nya, nag tetake na sya ng medicine at kapag hindi sya gumaling doon saka nila gagawin ang transplant" malungkot na sabi ni Ate.




Lumabas ako sa room nya at umupo sa waiting area when I heard my phone ring.





Ky Calling..


"Hello?" I started.



"Asan ka? sabi nila Sander umalis ka na lang daw bigla kasama si Harvey ng walang paalam" I sighed. Kapag naririnig ko yung boses nya nakakaramdam ako ng kakaiba.




"Nasa St. Lukes ako dinala nila sa hospital si Raine and this is the third time, may Heart Cancer sya"




"Do you want me to go there?" tumulo na lang ang luha ko sa di malamang dahilan. Maybe Im just afraid about my sister's condition.





"Wag muna siguro, aalis na din ako punta ka sa park sa village nyo wait me there"




"Okay, I will I love you" mas lalong napuno ng luha ang mga mata ko when I heard her I love you. Okay, Im crying because of her but why?





I didn't answer her at binaba na lang yung phone call hindi ko masabi sa kanya yun dahil ayokong lokohin ang sarili ko na mahal ko nga sya, gago ka Calvin.





Umalis na ako sa hospital at pumunta sa lugar na napag usapan namin ni Kyline I saw her there nakatalikod sya sakin at naka upo sa swing at dinuduyan ito ng dahan dahan lumapit ako sa kanya and I hold her shoulders, tumayo naman sya at humarap sakin.




"How hard to say it, Calvin?" tanong nya sakin.




"To say what?" sinamaan nya ako ng tingin na ikinakaba ko, bakit ba ako ganito?! why Im acting as a REAL BOYFRIEND?





"To say I love you too, Babe. Is that hard?" sabi nya ng seryoso at alam kong naiinis sya sakin ngayon dahil hindi ako nag I love you too sa kanya.





Bakit ganon ang mga babae? simpleng bagay lang pinapalaki pa nila para lang mag away, pero bakit ganito? hindi ko magawang mainis sa ginagawa nya and the worst parang nag sisisi pa ako na hindi ko sinagot ang I love you nya kanina.






"Sorry.." I said and hugged her. Parang ayoko ng bumitaw sa pagkakayakap sa kanya aminin ko man oh hindi it feels like heaven.






"I don't need your sorry" mas lalo kong hinigpitan yung yakap ko sa kanya.





"I love you too, Babe and sorry for what I did ang dami ko kasing iniisip kanina" kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya and I kissed her forehead. Ang sakit nya pala sa ulo maging girlfriend.






"Okay na, nag I love you ka naman na sakin by the way how's the condition of Raine?" I sighed. Buti naman at napatawad na nya ko?






"I think she's not fine may heart cancer sya, Babe" now I call her Babe, baka mapansin na naman nya na hindi ko sya tinawag na ganon magalit pa yan.






"Hindi talaga fine yun, cancer eh pero mag tiwala lang tayo God will never let bad things happen to her" sabi nya at ngumiti sakin. That's her power, her smile.







"By the way, may pasok na naman bukas makikita mo na yang Paolo na yan" sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.






Naiinis ako sa Paolo na yun. Hindi ko alam pero nabubwisit ako sa kanya! ang weird neto eh, nakakabaliw na.






"Hindi ako lalapit sa kanya, bakit ba ang seloso mo?" she said then pinched gently my nose.






Bakit ba kasi ako nag seselos? Im just playing here after all! tapos nakakaramdam ako ng selos? ginusto ko naman to eh! tapos mag seselos ako ngayon? sinong ginagago ko? yung sarili ko, ganon? t*ngina nakaka paksyet na.






"Promise me that, you'll never come near with that dumbass" seryosong sabi ko sa kanya.





"I promise, Boss" ginulo naman nya ang buhok ko.





"Im the man but you are the Boss, always remember that Babe."

The Playboy's GameOù les histoires vivent. Découvrez maintenant