“hahahahaha... sorry naman hah, natutuwa kasi ako sayo.. ang cute cute mo tingnan, ano ba yang  ipinagdarasal mo hah?” tapos pinisil niya ang tungki ng ilong ko... he always do that... pero ok lang, I find that gesture sweet ^O^

“pinagdadasal ko n asana ako na ang mahal mo...” bulong ko habang nakaiwas ang tingin sa kanya...

“ano ulit??” kunot noong tanung niya sa akin.. humarap ako sa kanya, bakas sa mukha niya na hindi niya talaga naiintindihan... ngumiti ako... “sabi ko, gutom na ako.. ilibre mo kaya ako??” pag-iiba ko ng sinabi ko...

Pinisil niya ang magkabilang pisngi ko... “ang takaw mo talaga Karina Amielle... tara na nga...” tapos inilahad niya sa akin yun kamay niya, tinitigan ko muna saglit yun kamay niya na nakalahad sa akin bago ko ito masayang tinanggap... kinuha niya sa akin yung dala kong bag... so, sabihin niyo sa akin... sinong hindi maiinlove sa kanya db??

“ano bang gusto mong kainin??” tanong niya pagkaraan...

Inilagay ko ang daliri ko sa may baba ko, yung act na parang nag-iisip.. “gusto ko ng tokwa...” nakangiting sabi ko sa kanya... may malapit na ‘turo-tuhog’, as we call it, dito sa may hartner ee... bago kami umuwi ni Miko, madalas kami doong dumadaan... syempre, lagi niya akong nililibre.. hahahaha, kuripot ako ee, mayaman naman siya kaya hindi siya mamumulubi...

“sabi ko na nga ba...” napapailing-iling na sabi niya habang nakangiting ginugulo ang buhok ko...

“wala ka namang sinabi ee...” nakalabing sabi ko sa kanya...

“hahahaha... pilosopo ka talaga, tara na nga...” tapos hinigit niya ako kay Lola na nagbebenta ng tokwa...

“oh, hijo, kayo pala ulit...” nakangiting bati sa amin ni Lola...

“eto kasing si Amielle ‘La, nagkcrave ng Tokwa... bigyan niyo nga po kami ng bente...” sabi ni Miko kay Lola...

“ahahahaha... namimiss ko na kasi tong tokwa ni Lola na may masarap na sauce...” nakangiting sabi ko habang nakasilip sa mga niluluto ni Lola...

“bolera ka talagang bata ka, nakooo, natutuwa talaga ako sa inyong magnobyo’t nobya...” natatawang sabi ni Lola...

Napatingin ako kay Miko, na nakatingin na din pala sa akin... maya-maya ngumiti siya sa akin...

*LUBDUBLUBDUB*

 

Oh crap ! ayan na naman ang aking erratic hearty ! pakiramdam ko nagkakarerahan ang heartbeat ko, sobrang bilis nila.. DAMMIT ! oo na, in love na talaga ako sa kanya... tss, too bad... kasi alam kong, may mahal siyang iba... at pinsan ko pa talaga T^T

 

“oh Karina Amielle...” napapitlag na lang ako ng bigla niyang inabot sa akin yung mga tokwa... tingnan ko siya... lihim kong hinihiling na sana, ako na lang talaga ang mahal niya...

MAN , WHO I HAVE TO MARRY[FINISHED]//SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB//~Where stories live. Discover now