chapter 29[part 2]

20.7K 176 29
                                    

walang kwentang update ...

haaay.. bawi na lang ako next time ...

enjoy reading XDD


***********************************************************************************************************

RYU’S POV...

 

“Babe, I love you... let’s go...” tapos inilahad niya yung kamay niya sa akin...

 

Noong hahawakan ko na ang kamay niya, bigla siyang naglaho.. nawala siya ng parang bula...

 

Nagpalinga-linga ako sa paligid.. WALA NA SIYA...

 

Pumatak ang mga luha ko, nasaan ka na ?? bakit mo ko iniwang mag’isa ??

 

Eunice...

 

*

Bigla kong ibinukas ang mga mata ko...

Iginala ko ang mga mata ko sa paligid.. sa tabi ko, may babaeng nakasubsob ang mukha sa mga braso at hawak ang kamay ko...

Nasaan ako ? anung nangyari sa akin ? sino ang babaeng ito...

Pinipilit kong gumalaw, pero.. hindi ko kaya, masyadong masakit ang buong katawan ko..

At ang ulo ko... sobrang sakit niya...

Ano ba talagang nangyari sa akin ? bakit ako nandito ? anung ginagawa ko sa lugar na ito ?

Biglang nag’angat ng ulo ang babaeng katabi ko...

“anak, gising ka na? ... KARLO !!” sabi nung babae...

Nakangiti siyang bumaling sa akin, bakas sa mga mata niya ang saya...

Anak ?? anak niya ako ?? bakit... hindi ko siya maalala ??

Nasaan ako ?? anung nangyari sa akin ?? sino sila ?? at... SINO AKO ??

Biglang bumukas ang pinto, iniluwa noon ang isang lalaki...

“gising ka na nga.. saglit lang, tatawag ako ng Doctor..” sabi nung lalaki sabay nagmamadaling lumabas ng kwarto...

Pilit kong inaalala kung ano ang mga nangyari sa akin, pilit kong inaalala kung sino sila.. pilit kong inaalala kung sino ako...

MAN , WHO I HAVE TO MARRY[FINISHED]//SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB//~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon