Prolouge

87 33 17
                                    

Her POV

"Alejandro maaari ba akong humingi ng pabor sa iyo?" Turan ng dalaga habang binibigyan ng isang maliit na ngiti ang binata na nakaupo sa tabi ng kama nito.

Saglit na natigilan ang lalaki ngunit sumagot din naman ito. "Ano iyon?"

Umupo ang dalaga at marahang tinapik ang espasyo sa kama na kanina'y kinahihigan niya. "Maupo ka muna dito sa tabi ko"

Kahit may pagdadalawang isip ay umupo parin ang binata sa tabi nito. Walang emosyon ang mga mata nito ngunit hindi iyon naging hadlang upang matinag ang dalaga, sa halip ay binigyan niya pa ito ng isang matamis na ngiti.
Niyakap niya ang binata na siyang ikinagulat naman nito. Bago pa man makapagsalita ay pinutol na siya ng babae

"Hayaan mo muna akong yakapin ka. Ang hinihiling ko lang sa iyo ay ang manatili ka sa aking tabi sa mga nalalabing oras ko dito sa mundo at pagkatapos nun ay maaari kanang maging masaya sa piling ng kapatid kong si Helena na siyang minamahal mo" Nag angat ng tingin ang dalaga at hinawakan ang pisngi ng kausap. Marahan niyang tinitigan ang walang imik na binata na wari ba'y kinakabisado ang bawat detalye ng mukha nito

"Ako naman ang unang nagmahal sa iyo mahal ko ngunit bakit hindi ako ang pinili mo? Ano pa ba ang pagkukulang ko?" Tumakas ang luha sa mga mata ng dalaga habang hinihintay ang sagot ng minamahal

"Dahil sadyang magkaiba kayo ng kapatid mo at siya ang pinili ng puso ko. Ang pangalan niya ang naging tibok nito at hindi ang sayo. Masisisi mo ba ako kung iyon ang naging plano ng tadhana para sa ating tatlo?" Ngumiti lamang ng mapait ang dalaga sa sinagot nito habang umiiling

"Hindi ba maaaring magbago ang nararamdaman mo? Gayong ako naman ang laging nasa tabi mo noong mga panahong hindi mo pa siya nakikilala" Ang kaninang patakas-takas lang na mga luha sa mata ng dalaga ay unti unti nang umaagos nang tuluyan.

"Alam mong hindi madaling baguhin ang nararamdaman lalo na't hindi kailanman matuturuan ang puso na magmahal" Turan ng binata bago umiwas ng tingin. Muli siyang niyakap ng dalaga. Unti unti itong pumikit hanggang pumatak ang huling luha sa mga mata nito

"Sana sa susunod na buhay ko ay ako na ang mahalin at piliin mo. Kahit ano ay handa kong gawin makabalik lang sa piling mo" mahinang turan nito bago tuluyang bumitiw sa pagkakayakap sa lalaking pinakamamahal

Nagising akong pawis na pawis at hinahabol ang hininga ko. "Napanaginipan ko na naman"

_________

A/N: So what do you think guys? Dont forget to comment or vote arrachi?~ love you all!

xoxo
Ice
Vote.Comment.Follow.Share.Suggestions

Hurt Series 1: In Another Life [EXO's Kim Junmyeon] #TheWeeklyAwards2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon