kailan ba ako tunay na magbabalik?

72 2 0
                                    

Kailan ba ako tunay na magbabalik?
(By Sheny)

Isip ko ay palagi na lang ganito.
Bawat oras natutuliro.
Nalilito, parang ayoko na dito.
Hanggang kailan ito?

Umaagos ang luha,
Ayaw ngang tumila.
Palaging tanong,
may pag-asa pa kaya?

Kailan? Kailan nga ba talaga?
Kailan ko ba maibabalik ang tunay na saya?
Mga mata'y namumugto na.
Wag mong sabihin tila limot mo na.

Mga ala-alang masasaya.
Na ngayon aking naaalala
Minsan talaga hindi ko na kinakaya.
Tibok ng puso ko parang hihinto na.

Ang laging tanong,
kailan nga ba ako tunay na magbabalik?
Sa sarili kong wala ng diwa.
Ikaw na ang bahalang umunawa.

My Own PoemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon