XII. College

27 1 0
                                    

Daezen's POV

Sobrang busy ng week na to. Ngayon na kasi ang midterm exam namin. Buong week na din akong puyat kakareview.

3 days pa before matapos ang week na to, napakaraming exams pa ang kailangang tapusin.

Well, di naman ako nagrereview dito sa school, tinatapos ko na lahat sa bahay. Para di naman ako mamental block.

Isang exam nalang for today at uwian na.

Di naman pwedeng lumabas today, dahil marami pang kailangan asikasuhin. Kailangan ko pang tapusin yung thesis namin.

Biglang tunong naman ng phone ko.

Busy padin until now? 😔 Kelan ko naman pwedeng hiramin ang oras mo?

Napapadalas na ang text namin ni Stranger guy. Walang time na hindi ako napangiti, hindi ko man siya kilala, napapasaya naman niya ako. Okay na din yun. Kesa naman sa mga walang hiyang ibang lalake diyan na kung kelan kilala mo, dun ka lolokohin.

Pasensya na. Exam week kasi, need to focus. I'll text you if di na hectic ang schedule ko.

**Beep**

Kailangan ba ako makakasali sa schedule mo? 😔

Hala siya oh. Wag ka ng magtampo. Busy lang talaga.

Okay lang. Willing to wait, promise! ❤️

Thank you.

Tinake ko na yung last exam namin para na rin makauwi na, may pupuntahan pa daw kasi si Pat and Kevs. E ayoko naman ng sumama dahil need ko ng time para makapagreview.

Matapos lang ang week na to, okay na ako. Pwede na akong gumala ulit. Pero this week? Nah. Hindi pwede.

Palabas na sana ako ng Campus ng biglang hinabol ako nung guard.

"Ms. Timog! Ms. Timog!" Manong guard.

Napalingon naman agad ako sa kanya.

"Po, kuya?" Sagot ko.

May inabot siya sakin na maliit na cute na paper bag.

"May dumaan po na lalaki kanina dito Ma'am, nakakotse, pinasuyo lang, ang bilin e iabot daw po sa inyo." Sabi ni manong guard.

"Kanino po galing? Ano daw pong pangalan?" Pagtatakang tanong ko.

"Wala pong sinabi ma'am e. Basta ang bilin, iabot sa inyo. Kilala niyo daw po siya." Sagot ni Manong Guard sabay balik sa gate.

Kanino galing to?

Hindi ko naman maiopen dahil naka staple.

Biglang beep naman ng phone ko.

Ingat ka paguwi, magkikita pa tayo. 😘

Napangiti na naman ako. Pero wait, hindi kaya sa kanya galing eto?

Galing ka ba ng school ko kanina? Sa iyo ba galing to?

Ang alin, Ms. Beautiful? 😍

Eto? Etong bigay ni Manong Guard?

Masarap yan. ❤️ Sana magustuhan mo.

So sa kanya nga. Paano niya nalaman ang school ko? Kilala niya talaga ako. Di ko alam kung matatakot ako or kikiligin pa ba. Hays.

Sumakay na ako ng taxi pauwi dahil maaga ang uwian ngayon gawa ng exams.

Pagdating ko sa bahay, dumiretcho ako ng room at sabay bukas ng paper bag na hawak ko.

Awwww. ☺️ Cupcakes na may mga hearts. Wait lang, yung puso ko, lumilipad. Bakit mo ba ginagawa sakin to?

Sino ka ba talaga?

"Dalaga na ang baby ko. Kanino galing yan nak?" Nagulat naman ako kay Mama.


"Ah wala ma. Di ko po kilala. Ewan. Kay ano. Basta." E hindi ko naman talaga kilala yun e. Sa katext ko? Kay Mr. Stranger? What?

"Wag ka ng mahiya anak, tell Mama. Di naman ako magagalit. In fact, natutuwa nga ako kasi ngayon ka lang mag inentertain na guy." Sagot ni Mama.

Totoo naman kasi. Lahat ng may gusto sakin, hindi ko binibigyan ng chance na makilala ako or makausap man lang ako.

"Ma, tsaka na po." Sagot ko.

"Oh basta, kapag may problema ka or kailangan mo ng tulong ko, sabihan mo lang ako ha? Love you baby." Sabay halik sa noo ko.

Tsaka ko na sasabihin ma, kapag kilala ko na siya. Mahirap magsabi ng walang kasiguraduhan.

"Ayoko ng maulit yung nangyari sayo noon." Dagdag pa ni Mama.

Ayoko ng maalala pa yun. Isa yun sa mga dahilan kung bakit nagbago ang buhay ko.

Bakit ba sinabi pa ni Mama yun. Napaluha na naman tuloy ako. 2 years na nakakalipad, Daezen.

Nagpalit na ako ng damit at inopen ang laptop ko, open ng FB.

Ano to? 99+ notifications?!?

Whaaaaaaaaaat?!?



-------------------------

Sana nag eenjoy kayo!

Don't forget to vote, comment and share.


Love. ❤️

NO PROMISESOnde as histórias ganham vida. Descobre agora