X. HOW

19 1 0
                                    

Katsumi's POV

Maaga akong bumangon ngayon, para ba kasing hindi siya maalis sa isip ko. Nagpuyat na nga maaga pang gumising. Inopen ko nalang yung laptop ni Dj. Naglogged in ako sa FB ko para magcheck ng notif. Di naman kasi ako mahilig magpost, maliban nalang kung may mga events kami.


Ang daming notification. Puro tagged lang naman nung mga estudyante ng USTe kagabi. Gwapo ko talaga. Hahaha.

Titgnan ko nga pala dapat yung FB ni Ms. Beautiful. Daezen.


Wait lang. Typing....

Daezen

Ang dami namang suggestions. Ano to? Iisa isahin ko lahat ng profile na to?

Paano ko nga ba siya makikilala? Paano ko siya matatagpuan? E kung pumunta kaya ako ulit dun sa Monday? Hanapin ko siya?

Ayy wrong ka diyan Kats. May pasok ka din. Hmmm. E kung hanapin ko sa iba? Twitter?

Typing.... Daezen...


Ganun din. Daming lumabas. Malamang sa malamang ganito din ang lalabas sa instagram.

Paano na to? Hanggang dun nalang yun? Hindi pwede.

Parang merong something na nagtutulak sakin para mapalapit sa kanya. Gusto ko siyang makita ulit. Gusto ko siyang makasama. Gusto kong mahawakan ulit ang mga kamay niya.

Paano na to?

Saan?

Kanino?


Hays.


Eto nga siguro ang dahilan dun bakit kinakabahan ako kahapon. Dahil may makikita akong anghel.

"Uy. Aga aga e. Itulog mo ulit yan. Nananaginip ka pa ata." Les.

Nakakagulat naman to. Nananahimik ako dito, biglang magsasalita.

"E ano naman?" Sagot ko.

"Baduy mo. Ang baduy." Les.

"Anong baduy dun?" Tanong ko.

"Wag ka ng magtanong. Pasearch search kapa. Daezen. Daezen. Daezen." Les. Sabay tawa at higa ulit.

"Chismoso, bro." Pabiro ko.

"Tinamaan na ako, letcheng pag ibig toooo. Juskooo, ano ba naman ito." Kanta ni Les habang nakapikit.

Tinamaan na nga ba ako?

Lumipas ang araw na wala kaming ginawa kundi maglaro, maglokohan, kumain.

Pero hindi pa rin siya nawawala sa isip ko.

Hanggang lumipas na ang gabi, nasa biyahe kami pauwi ni Dj, Seth, Les at JC.

"Wag masyadong isipin. Di makakatulog yun." Jc.

"Ganda no? Wala, hanggang dun nalang yang si Kats." Les.

"Tulungan niyo naman ako bro." Ako.

Baka kasi may mga suggestions din sila kung paano ko makakausap si Daezen.

NO PROMISESOnde as histórias ganham vida. Descobre agora