V. Preparation KATSUMI

48 2 0
                                    

Katsumi's POV

So eto na nga, bukas na.

Bukaaaaaas naaaaa!

Heto kami ngayon, nagpprepare for tomorrow's event. Medyo kinakabahan ako.

Malay ko ba, alam ko sanay na kami, pero ewan. Di ako mapakali.

"Natatae ka ba?" Lester.

"Hindi. Bakit?" Tanong ko.

Parang baliw naman kasi. Out of nowhere magtatanong ng ganun.

"Kanina kapa balisa. Tapos hihinto, tapos tulala. Kung natatae ka, may CR dun bro. Wag dito." Sabay ngisi ni gago.

Bakit nga ba?

Hoy katsumi, umayos ka nga.

"Hahahaha. Abnoy ka talaga bro. Di pwedeng napagod lang. Tapos magpapahinga saglit?" Sagot ko.

"Palusot kapa. Hahaha hindi ka naman ganyan dati." Sagot niya.

"Baka kinakabahan bro." Singit ni Seth.

"Ha. Ako? Kakabahan? Tssss." Pagyayabang ko.

"Yabang talaga oh." Sagot ni Lester.

Hahahahaha. Mayabang ba?

Sus. Magaling e. Hahaha de biro lang.

So ayun, nagpatuloy nalang kami sa pagaayos at maya maya pupunta kami ng mall para bumili ng susuotin.

Syempre kailangan every event, iba iba yung suot. Sayang, memory din yun.

Nandito nga pala kami sa bahay nila DJ, e wala pa siya. Kaya kami muna ang nandidito.

Hindi na kami nagpractice pa, baka masobrahan sa galing. Dapat sakto lang.

Rest lang ngayon. Para bukas, full ang energy.

Nanunuod lang ako ngayon, naglalaro kasi si JC at Lester ng PS4.

Makapagpost na nga lang.

"So excited for tomorrow's concert. See you USTe! #ParkingFiveAtUST" post ko sa twitter.

Kailangan may update sa mga followers.

Hay. Kinakabahan parin ako para bukas. Sobrang daming tao ba?

Relax, katsumi. Wag kang OA. Baka gutom lang yan. E kumain naman ako. Bakit ba? Anong bang mangyayari bukas?

Syempre, tutugtog ka. Ano ba namang tanong yan?

"Nakabili na ako ng kailangan niyo. Pinasuyo ko na sa assistant ko." Biglang bungad ni DJ.

"Wow. Galing mo talaga bro. Iba ka." Sabay tayo ni Lester.

"Tamang tama to, bro. Astig." Sagot naman ni Seth.

"Alam niya pa talaga ang taste ko ah. Maisukat nga, salamat kuya." Sabay pasok ni JC sa kwarto niya.

Maganda naman talaga. Astig tignan.

"Pwedeng magfashion designer yung assistant mo bro." Sagot ko havang tinitignan yung damit na dala ni DJ.

"Wag niyo na akong utuin. Hahaha magpahinga na tayo at oras na din. Maaga kayo bukas ha." Bilin ni DJ.

"Osha, mauna na ako." Sagot ko, sabay kuha ng bag ko.

"Ano? Iiwanan mo kami?" Tanong ni Lester.

Napatingin din naman sakin si Seth. Oo nga naman, kasabay ko nga pala sila. Hahahaha abnoy talaga.

"Sabi sayo bro, natatae si Kats e." Sabay tawa ni Lester at Seth.

Napangisi din naman si Dj.

"Bakit? Ano bang ginawa niya?" Tanong ni DJ.

"Paano kasi, kanina pa yan balisa. Di ko alam kung anong iniisip niya. Hahaha kaya sabi ni Les, natatae daw." Sagot ni Seth.

"Paano, madaling madali. May CR naman kayo. Nahiya pa." Pang aasar ni Les.

Mga baliw talaga tong mga kaibigan ko. Hahaha

"Mang aasar o maiiwan?" Tanong ko.

"Uy les, umayos ka." Seth.

"Biro lang naman bro. To naman di mabiro. Labyu!" Sabay hila sakin.

"Mauna na kami, bro!" Sigaw ni Les.

"Mag ingat kayo!" Sagot ni Dj.

"See you bukas!" Pahabol pa ni Seth.

At nagdrive na nga ako, idinaan ko na sila si bahay nila at dumiretcho na rin ako sa bahay.

Tumuloy na ako sa kwarto, humiga. Pinikit ko na ang mga mata ko, pero wala. Hindi naman ako makatulog.

Excited ba ako or kinakabahan?

Aba malay. Hays.


---------------------

Nga pala guys, just to let you know, this is just a fan made story. If you have any concerns, kindly PM me.

Sorry. Di lang ako makaget over sa DaeSumi. I'm super fan! Kayo din ba?

Love you!

Comment. Share. Vote. ❤️

NO PROMISESजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें