Kabanata 1

21.3K 430 35
                                    

Wings

"Janelle Marchelle Tiamzon! Aba anong oras ka umuwi kagabi? Uwi ba iyan ng matinong babae?" Nanay's voice can beat an alarm clock.


"Nay naman ehh. Inaantok pa ako. Tsaka birthday nga kasi ni Lidia kagabi diba." Minulat ko ang aking mata ngunit di pa rin ako bumangon. Nakita ko na ang kunot na noo ni Nanay.


"Aba kahit na birthday ni Lidia! Alam mong ngayon ang flight ko papuntang Singapore. Wala ka yatang balak ihatid ako?" Napabalikwas ako ng wala sa oras. Ang ingay talaga ng nanay ko. Buti na lang mahal ko 'to.


Agad na kumunot ang noo ko at hinarap siya. "Eh di mo naman ako isasama. Ewan ko sayo Attorney nagtatampo ako. At bakit doon ka pa mag-cecelebrate ng birthday mo?" Ngumuso ako at nakipagtitigan sa kanya. Masamang tingin naman ang ginawad niya sa akin, sa tingin palang na 'yun ay alam ko na ang mga susunod na mangyayari.



"Nanay! Joke lang! Nanay! Nay tama na, nay!" At hindi nga ako nagkamali. The next thing I knew, she was already tickling me.


Akala ng maraming tao ay masungit si nanay. She rarely smiles in public most especially when there's media. Ayaw niya raw kasi ng ganoon, hindi naman daw siya artista bakit niya raw kailangan magpaganda sa harap ng kamera. Sapat na raw sa kanya na sa mga kliyente niya siya ngumingiti matapos na maipanalo ang mga kaso nila.


"Hay nako 'tong baby ko. Alam mo naman na hindi pwede. Tsaka ilang taon ka na ba ha? Jusko 19 ka na. Don't act like a nine year old. Emergency nga kasi ang kondisyon ng tita mo at alam mo naman na gusto kong dito magbirthday. May important matter lang talaga akong dapat puntahan. " I pouted my lips and hugged her tighter.


My mother is a criminal lawyer. One of the best and smartest in the country. She is known as a ruthless lawyer. She's good at putting bad people in jail and making sure that the innocent stay free. Even so, she's not like those lawyers who liked the spotlight.


Kahit ang alam ng mga tao ay wala siyang puso pagdating sa korte ay iba siya sa harap namin. She's very kind, she's keen in donating to the less fortunate may it be home for the aged, hospitals, scholarships, and many more.


"Attorney sama mo na ako please." I tried making myself cute but I know that whatever I do, nothing will change. When nanay says no, it's a no. Iyan ang golden rule sa bahay na ito.


"Hay nako ang kulit mo. Diba nga-," Someone entered my room and cut her off.


"When Nanay says no. It's a no." I rolled my eyes upon seeing my father who would literally do anything for my mother. He loves her that much.


"Captain!" I stood up from my bed and hugged tatay.


"Buti naman at bumangon ka na. Tanghali na." He said and messed with my hair.


"Hay nako Ernesto iyang anak mo, bini-baby mo masyado kaya ganyan eh." My father chuckled and pulled my mother so that he can hug the both of us.


"Irma naman. Kahit gaano kalaki na 'tong si Nelle, siya pa rin ang baby natin." Tatay said and kissed my forehead.


"Tatay can I go with Nanay to Singapore. Please please." I tried pleading.



"Anak, you know that Attorney will go to Singapore to check your tita Thea's condition. Di naman siya pupunta roon para mamasyal." I pouted my lips even more.


To Fly With You (Working Girls Series #1)Where stories live. Discover now