Chapter 5 : Prophecy 2.0

Bắt đầu từ đầu
                                    

"YAAAH!", sumigaw si Hades bago niya tinarak ang kanyang dagger sa ulo ng robot.

Mabilis pa sa kidlat na nawalan ng buhay ang robot. Nang umaktong babagsak na ito ay mabilis na tumalon si Hades, umikot sa ere at bumagsak sa lapag — superhero landing style!

Patuloy na ngang humampas ang robot sa lapag at kasunod nito at ang pagbaba na rin ni Zeus at pagbangon ni Poseidon mula sa pagkakatilampon. Nagtipon ang Big Three at sumama ako sa kanila.

"Nakita niyo iyon?", agad kong bungad.

"Ang alin?", tanong ni Hades.

"Ang mga makina! At ang robot. Tila may buhay na nagpapagalaw sa kanila.", balik ko.

"Tama. Hindi ako sigurado sa naiisip ko pero marahil iyon lang ang sagot.", sabi ni Zeus.

"Ano ba iyon? Come on, the suspense is killing me!", sabi naman ni Poseidon na magkadikit ang mga kamay na tila nagmamakaawa.

Umubo si Zeus at matapos ay lumunok. Teka, kadiri, nilunok niya ba ang plema niya? "Si Daedalus. Ang kanyang espiritu — nandito siya. At siya ang nagpapagalaw sa mga bagay na ito. Sa mga bagay na kanyang inimbento."

"TAMA KA!"

Lahat kami ay napatalon dahil sa boses nito. May pagbulusok nang malakas na hangin at napaurong ako sa lakas nito. Akala ko ako ay tatangayin na. May pagsabog ng berdeng ilaw sa aking mga mata. Naningkit ang aking mga mata at pilit tinitignan ang aming nasa harapan. Tinignan ko ang Big Three na pinipilit ding makatayo nang maayos upang hindi matangay.

Hindi kinalaunan ay nakita ko na ng buo ang nasa aming harapan. Tulad ito noong nagpakita sa special dinner para kay Hades. Si Daedalus. Tulad ng dati ay wala itong buhok sa ulo ngunit mahaba ang balbas. Makinang siya at kulay luntian. Nang binuka niya ang kanyang bibig ay nagkulay dilaw ang kanyang mga mata.

"ITO LAMANG ANG SIMULA NG AKING PAGSIRA! HANGGA'T HINDI KO NAHAHANAP SI MINOS!"

Sinigaw ni Zeus ang sagot niya rito. "Kung gayon — kung gayon, ugh, bakit mo kami dinadamay? Wala kaming ginawa sa iyo!"

Tila napatigil ang espiritu ni Daedalus, tumitig ito nang matagal sa amin hanggang sa wakas ay muli niyang binuksan ang kanyang bibig at tumingkad na naman ang kanyang mga mata.

"Dahil ito'y utos.", sabi niya.

Ano? Utos? Anong ibig sabihin nito? Utos nino?

"Meron na lamang kayong isang minuto bago kayo malibing dito sa aking workshop.", matapos noon ay tumawa ang espiritu at tila mas lumakas ang hangin.

Napahikbi ako nang nagsimulang yumanig ang lupa. Ramdam ko ang paggalaw nito na dumadaloy sa aking katawan. Malakas ito at kasabay nito ang malakas din na pagkabog ng aking puso. Nagbagsakan ang ilang mga makina. Namatay ang ilang ilaw at umuulan na ng buhangin at mga bato mula sa kisame.

Tumawa nang tumawa si Daedalus at habang tumatawa siya ay tila mas lumalakas ang pagyanig. Tumakbo patungo sa akin ang Big Three, hindi tulad ko ay mas kaya nilang magbalanse at labanan ang malakas na hangin. Hinawakan ako ni Poseidon sa balikat. "Halika, Guardian! Kailangan nating magteleport mula rito!"

Sumigaw ako laban sa malakas na bugso ng hangin. "Papunta naman saan?"

"Sa labas lang ng workshop!", si Zeus ang sumagot.

Naghawak-hawak kami ng kamay. Napatingin ako kay Daedalus na tila wala nang pakialam sa amin, patuloy niya lang ginigiba ang workshop niya. At bakit kaya? Para wala nang ebidensya? Para wala kaming mahanap na mga tanda na maaring magpadiskubre sa amin sa mga plano niya pa? O kung sa ano man ang nangyayari?

Teenage Greek gods: The Dark Spirit Book VNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ