Please Say Yes

397 23 6
                                    

JC's POV

"JC una na kami sa caft ni Cha ha." Pagtingin ko papunta ng pinto 'yung dalawa. Nagwave ng babye si Cha. Huh? Nagmamadali naman siya masyado. Sobra naman ata sila nasanay na lagi ako sinusundo ng Bulletproof. Lumabas na lang din ako ng room.

"Let's go to V."

Napahawak ako sa chest ko sa bigla. Si Simon kase nasa pader na malapit sa pinto nakapamulsa sa pantalon niya at nakayuko. Parang hindi nga ako ang kausap eeee.

"Grabe ka naman Simon. Ang creepy mo. Basta-basta ka na lang nagsasalita jan. Ni-ha ni-ho wala." Reklamo ko.

"Tsssss! Kailangan pa ba 'yun?" Sabay hila niya sa siko ko papunta kung saan.

"San ba tayo pupunta? Ba't hindi na lang sa usual spot sa caft? Asan sila?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang siya. Orayt JC! Nice try! Talk to the hand.

Binitawan na niya ang siko ko nang makalayo na kami ng konti. Mejo bumagal din ang paglakad niya na sinabayan ko na lang.

"JC..." Tawag niya saken.

"Hmmm?" Luminga naman ako sa kanya. Why so serious Simon?

"I hope na hindi na kita uli makita na umiiyak." Sabi niya. Bahagya naman akong natigilan dun.

"A... 'yun ba? Hehehe " Nakakahiya ka talaga JC! Naalala niya 'yung crazy moment mo na 'yun!

"Please... Para kaseng ako ang mas nasasaktan pag nakikita kitang umiiyak." Patuloy lang kami sa paglakad.

"Bakit naman? Hahaha Simon talaga. Hayaan mo hindi na ako uli iiyak. 'Yung nakita mo? Wala 'yun! Ikaw talaga. Ha-ha-ha." Ok, spell awkward. Ba't ba bigla-bigla na lang nagkaganito si Simon? Tumango na lang siya sa sinabi ko at tumango din sa unahan kung saan andun 'yung limang kulokoy. Asan si V? Binigyan ako ni Simon ng red rose. 'Yung lima binigyan din ako ng red rose.

"Teka? Para san 'to?" Tanong ko na napasmile lang sila.

"Let's go JC!" Hila naman saken ni Josh.

"San ba tayo pupunta?" Nagtataka na talaga ako. Papalayo na kami sa school grounds.

"Secret..." sabay kindat ni Josh. Tsss! May pakindatkindat pa 😒😒😒

Maya-maya nasa tapat na kami ng isang pader. Hinawakan niya 'yun sa kung saan tapos para siyang nagform ng isang pinto. Nanlaki ang mata ko ng binuksan niya 'yun.

"Pano?" Tanong ng itulak niya ako papasok. "Wait, Josh! Don't leave me-" Wala na. Sinarado niya uli 'yung passage. Napabuntung hininga na lang ako. Pagtingin ko sa likuran ko...

"Waaaaaaa!" 😍😍😍

Isa siyang garden! Ang ganda! Puno ng iba't ibang halaman at ang ground ay pino ng bermuda grass. Sa gitna nun may table na may payong at may food for two?

"You like it?"

Nagulat ako nang biglang sumulpot sa likod ko si V.

"Whoah! I love it!" Bulalas ko. Maglumapad ang ngiti niya sa response ko. Binigyan niya ako ng isang bouquet of roses. Hinawakan niya ang kamay ko at ni.guide ako sa table.

"Ang arte naman. Anong nakain niyo? Or should I say mo?" Sabay chuckle ko. Nilagyan niya ng food ang plate ko.

"I don't need to eat something. Being inlove is enough." Nagniningning ang mga matang sabi niya.

Natigilan ako dun. Amp naman! Kyaaaaaa!

"Natahimik ka na jan." Si V. Umiling na lang ako. Feeling ko pag magsasalita ako di ko mapipigilang magsmile.

After namin kumain hinila niya ako sa papunta sa may swing. Oo may swing dito. Pinaupo niya ako at siya ang tumulak. Ang saya!

"Sabi ko na nga ba magugustuhan mo dito." Si V na may halong tawa.

"Ofcourse!" Agree ko.

"Tsk. Tsk. Para ka talagang bata." Tatawa-tawa niyang sabi.

Pinatigil ko ang swing at umalis dun. Hinarap ko siya na nakalagay sa bewang ko ang mga kamay ko.

"Ako? Ako parang bata?!" Naasar ako dun ha. FYI, dalaga na ako.

Lumapit siya saken bigla at hinapit ang bewang ko. Napahawak ako sa dibdib niya. Napako ang tingin ko sa mga mata niyang nagniningning, tapos matangos niyang ilong tapos sa mapupula niyang labi...

V's POV

Pinatigil niya ang swing at umalis dun. Hahaha! Hindi niya matanggap na para talaga siyang bata huh. Lumapit ako sa kanya at hinapit ang bewang niya. Napahawak siya sa dibdib ko sa impact. Napatingin ako sa mga mapupungay niyang mata, sa cute niyang ilong, at sa pinkish niyang mga labi...

"Jewel, hanggang kailan mo 'ko papahirapan? Hanggang kailan ako maghihintay? Everyday with you is heaven but I can't help asking for more. Can you be my mine, for real?!" Nasabi ko na lang out of frustration.

"Yes." Mahina niyang sagot almost a whisper.

"Really?" Parang hindi ako makapaniwalang nagyes siya.

Tumango naman siya at nagsmile. That's it! I claimed her lips hungrily. Oh how I missed her lips. Unti-unting kumapit siya sa batok ko kaya mas dumiin ang kiss. Arghhh! Napunta ang right hand ko sa ilalim ng blouse niya na ikinabigla niya. Bigla niyang pinutol ang kiss at lumayo saken. Shit! Bitin!

Star-crossed LoveUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum