Two Different Worlds

595 28 20
                                    

V's POV

"I heard you're flirting with my younger sis." Sabi ng biglang umupo sa stool na katabi ko. Andito kami ngayon ng tropa sa isang club. Andun sila sa dance floor habang ako umiinom magisa dito sa bartender's corner. Tsss.. So he is Jewel's older brother huh.

"Flirting?" Nakataas ang isang kilay ko na pero hindi pa din tumitingin sa kanya. "I'm sorry to disappoint you but I think it's not flirting." This time tumingin na ako sa kanya. Nawala ang sarcastic smile sa mukha niya.

"So what are you trying to imply, Rivera?" Nakabawi niyang sabi.

Nilaro-laro ko ang laman ng baso ko at sinabing "Let's say you're sister seems to be someone for keeps." Walang anu-anong ni.grab niya ang kwelyo ko. Nakatiim bagang siyang galit na galit. Nagsilapitan naman ang tropa pati na rin ang barkada niya.

"For keeps? Who's fooling who? If ever you'll mess up with her, you'll mess up with me bastard!" Sabay bitaw niya sa kwelyo ko. Napapahalf smile lang ako at sumenyas sa tropa na ok lang. "Yeah my sister is for keeps so wake up! You're not the type of guy for her." Pagpapatuloy niya at inapunan ako ng matalim na tingin bago sila umalis. Umupo na lang uli ako na sinabayan naman nila.

...wake up! You're not the type of guy for her!

...wake up! You're not the type of guy for her!

...wake up! You're not the type of guy for her!

Ipinilig ko ang ulo ko. Tsss! It keeps on rewinding in my mind.

"Anong problema nun?" Si Josh.

"Kahit siguro ako, kung may lil sis ako ganun susugurin ko din siguro kung sino man ang lumalandi sa kanya." Si Jeorge na agad ding nanahimik ng tingnan ko ng matalim.

"Whoah! Small world huh? Kuya pala siya ni JC." Si Hope na amaze na amaze.

"If you really think of it. He has a point V. Don't you think you're too ambitious to like someone like her?" Si Renz. Napapailing na lang ako. Pati ba naman siya?

"Ooops! Renz you're lacking some point here. Hindi rin naman basta-basta si V a!" Si Julian.

"I think, kahit na magkaibang mundo ang ginagalawan ni V at JC, as long V here can prove himself, they will have a happy ending." Si Simon. Minsan lang siya magsalita pero may sense. Naghiyawan naman sila dahil dun at kinantyawan si Simon. Nilagok ko na lang ang natitirang alak sa baso ko at umalis sa club na 'yun. Iniwan ko silang mga nagtataka. Tssss!

JC's POV

Boogs!

Napalingon ako sa pinto ng veranda ko. Hala! Ano 'yun? Ipinilig ko ang ulo ko. Antok lang ako siguro. I need to finish this assignment first. Sulat. Sulat.

Bam!

Huh? Napalingon na naman ako. Haaaaay! Wala! Wala lang yun. Sagot. Sagot. Pero natigilan ako kase parang may kaluskos ng dahon akong naririnig? A wala. Baka kung anong hayop lang 'yun. Solve. Solve. Pero hindi ako mapakali. Pagtingin ko sa pinto nh veranda ko may aninong papalapit. Waaaaaaaa! Pero? Parang alam ko kung kaninong figure 'to? Haaaaaaaay... Seriously? At this late hour. Walang kagana gana kong binuksan ang door. Nagulat ako ng natumba siya saken.

"H-hala! U-uy ang bigat mo kaya!" Pilit ko siyang tinutulak. Bigla niya akong hinila papunta sa bed. Natumba kami dun ako nakapatong sa kanya. Waaaaaaa! Babangon na sana ako agad pero hinapit niya ang bewang ko. Napatitig ako sa face niya. Wala namang pinagkaiba gwapo- hindi! Hindi! Haaaaaay oo na gwapo siya. Pero? Bakit parang ang sad ng eyes niya?

"Hindi ba talaga tayo pwede?"

Huh? Anong pinagsasabi niya? Nagulat ako ng hawakan niya ang ulo ko at nimwestra ito papalapit sa dibdib niya? Dugdug Dugdug Dugdug. Ba't ang lakas ng heartbeat niya?

"I admit I'm a bad boy and you're a goid girl pero pwede pa din naman tayo diba?

Huh? Naku! Ang nakainom talaga. Tsk. Tsk. Hinayaan ko na lang siya magdadaldal ng magdadal. Nang tantiya ko na tulog na siya, dahan-dahan akong umalis sa ibabaw niya. Waaaaaaa! This alien! Kung ano-ank na lang ang mga nararanasan ko na hindi ko pa naexperience before 😒😒😒 pag nalaman 'to ni kuya lagot. Good thing sabi niya may overnight siya with his barkada. My parents have a buainess trip pero hep! Bago umandar ang mga kung ano-ano sa utak niyo, fyi the house is full of maids, guards and guardeners etc. I wonder kung pano siya nakaakyat sa veranda ko. 😭

Star-crossed LoveWhere stories live. Discover now