00 | PANIMULA

1.1K 36 6
                                    



♛  S A N G G E I A N ♛l i l y r e s h

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

♛  S A N G G E I A N 
l i l y r e s h

  ─▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬─  

Ang kwentong ito ay umiikot sa piksyonal na mundong tinatawag na Mahikaharian--isang mahiwagang mundo kung saan ang mahika ay patuloy na umuusbong. May mga parteng may kaugnayan sa mitolohiyang Pilipino. Ibang-iba ang mundo nila kaysa sa'tin, kaya ang mga nabanggit na pangyayari, ngalan ng tao, at mga lugar ay likhang-isip lamang.

BABALA: ANG KUWENTONG ITO AY NAGLALAMAN NG SENSITIBONG DEPIKSYON NG TEMA, LENGGUWAHE, KARAHASAN, SEKSUWAL, AT IBA PANG EKSENA NA MAARING HINDI PARA SA LAHAT.


P R O L O G O

─▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬─

NAKATINGALA SI PRINSIPE AGERIN, pinagmamasdan ang nagkikislapang kristal sa itim na kalangitan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

NAKATINGALA SI PRINSIPE AGERIN, pinagmamasdan ang nagkikislapang kristal sa itim na kalangitan. Hinahaplos ng liwanag mula sa nagaalab na sulo ang pilak niyang buhok, humahawi sa hangin na parang kurtina. Parang umaapoy sa dilim ang ginintuan niyang mga mata.

Bawat sulok ng palasyo ay naiilawan ng sulo. Bawat pinto at poste ay binabantayan ng Maharlikang Kawal. Walang dahilan para matakot ang taumbayan sa mga aninong maaaring sumaksak sa kanilang pagtulog.

Malabo ang pandinig ni Prinsipe Agerin. Pakiramdam niya ay nasa ilalim siya ng tubig. Mahina, na parang bulong ng alon, ang ingay ng mga nagdiriwang sa kamara.

"Koronasyon mo na bukas. Bukas, hari ka na. Ikaw na ang hari sa napakalawak na Lupain ng Tao—ang Andolin!" enggrandeng deklara ni Taranggales. Bumaba ang mga mata nito sa nagsasayawang maharlika sa palasyo. "Parang mas masaya pa sila kaysa sa'yo, Kamahalan."

"Hayaan mo sila, Taranggales."

Hindi komportable ang pinunong heneral ng Maharlikang Kawal. Hindi gaya ng ibang mga kawal sa palasyo, hindi ito nakasuot ng ginintuang baluti. Mas komportable ito sa manipis at maluwag niyang silkang kimono, pulang bahag, at itim na putong.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sanggeian [ HIATUS ]Where stories live. Discover now