Kabanata f(x - 1)

Start from the beginning
                                    

Ilang saglit pa binuksan nung konduktor yung TV dito sa bus at nilagay niya iyon sa balita.


Sa darating na sabado ay papasok na ang bagyong Nina sa Philippine area of responsibility, Asahan ang pagbaha sa mababang lugar at walang humpay na buhos ng malakas na ulan hanggang sa Martes. May taglay na lakas ng hangin itong umaabot sa 140 km per hour...


"Haays, mukhang may paparating na bagyo... Oh diba, sinabi ko na sayo ngets lahat ng bagay may dahilan... tingnan mo kaya umuulan ngayon ng malakas at mukhang babaha pa kasi may paparating na bagyo" sermon niya pa sa'kin. Napatango-tango na lang ako. "Opo Nay!" banat ko na lang sa kaniya at tuwang-tuwa siya kasi na-sermonan na naman niya ako.

"Mag-boypren ka na kasi para naman may dahilan kung bakit nagkakaganyan ka pag umuulan tss" pang-asar niya pa tapos ininggit niya ako sa picture nila ni Arthur na boyfie niya ngayon at kilig na kilig siya, "No way ngets... tatandang dalaga na lang ako kaysa pumatol sa mga f*ckboy na yan Urghh" reklamo ko at biglang napatingin sa'kin yung lalaking cool na cool na nakatayo rin dito sa bus katabi nung matandang lalaki na kakainin kami ng buhay. Mukhang guilty si koya oh.

"Di naman f*ckboy si Arthur ihh... maginoo naman siya pero medyo... medyo bastos kyaahh" sigaw niya pa at halos mahimatay na siya sa kilig. sabagay pogi naman ang boyfriend niyang si Arthur yun nga lang ang presko ng dating, nakilala lang naman niya yun sa Omegle tss.

"Edi wag... pero sa lagay mo ngayon ngets daig mo pa talaga ang na-broken hearted kahit hindi ka pa naman nagkaka-boyfriend tss" pang-asar niya pa, magsasalita pa sana ako kaso biglang nag-ring yung phone niya, tumatawag ngayon si Arthur at dahil dun halos mabingi na naman ako kasi kilig na kilig siya at puro 'Enebe... shenebe ko nemen seye ne leb kete eh' na sobrang nakakairita haha.

Kinuha ko na lang yung phone ko at sinalpak ko yung earphones sa magkabilang tenga ko para kahit papaano magkaroon ako ng katahimikan. Napalingon ulit ako sa bintana, tinatahak na namin ngayon ang coastal road, kitang-kita ko ang medyo malakas na pag-hampas ng karagatan ng Manila bay sa gilid ng kalsada dito sa Cavitex Express Way. Nagsimula nang tumugtog ang Canon in D by Johann Pachebel. Piano instrument lang ito at sobrang nakakagaan sa pakiramdam.


Tuloy-tuloy lang din ang daloy ng tubig ulan dito sa bintana at medyo mabagal din ang takbo ng bus dahil malakas ang hampas ng hangin at ulan.

Napatingin ako sa kalangitan, parang dahan-dahang bumabagsak ang patak ng mga ulan. At sa pagkakataong iyon may mga tanong na pilit bumabagabag sa akin mula pagkabata ko...


Bakit ba parang konektado ang puso ko sa tuwing bumubuhos ang ulan? Hindi ko maintindihan kung bakit ang bigat ng dibdib ko sa tuwing bumabagsak ang tubig ulan sa kalupaan? Wala naman akong matandaan na masamang pangyayari na mauugnay ko sa ulan... pero bakit parang pakiramdam ko ay may nangyaring hindi ko matandaan?


Tama nga si Jen... never pa ako nagka-boyfriend, pero syempre nagka-crush naman ako pero hindi naman dumating sa point na na-inlove ako, kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit parang naranasan ko na umibig at masaktan.

Baka nababaliw lang talaga ako haaays.








"Hoy! Aleeza ngets bababa na ko... bye" paalam ni Jen sabay tayo, napalingon ako sa kaniya hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa Bacoor, Cavite. Tumigil na ang bus at hirap na hirap naman ngayon yung mga bababa ng bus kabilang na si Jen kasi para na kaming sardinas dito sa loob at ang daming nakatayo sa gitna dahilan para hindi makadaan ng maayos ang mga tao.

Tinawanan ko na lang siya kasi para siyang mandirigma na sumasabak ngayon sa gera. Sa Dasmarinas, Cavite pa ako nakatira kaya nauna ng bumaba si Jen at naiwan naman akong mag-isa na tulala pa rin sa tabi ng bintana ng bus. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at nagbabakasakali na maglaho na ang weird na pakiramdam na'to.








Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing)Where stories live. Discover now