"Hahaha. Yan kasi. Pero ayos lang yan. Halika na! Wag ka ng ma-excite." Sabay naman niyang hinawakan ang aking kamay. Ueeemggee! Nakakahiya naman sa public.






"Luhan. Nahihiya naman ako" Kasi naman nakakahiya talaga. First time ko lang maka-encounter ng ganitong situation.




"Psshh~ Kinahihiya mo ang gwapong lalaking ito?" Kapal ng mukha. Gwapo daw eh. Maganda naman siya mukhang babae!!





"Hindi naman sa ganun? Yung sitwasyon natin ngayon." -______-





"Ayos lang yan. Tayo naman di ba? Atsaka pakialam ba ng mga tao sa atin." Oo nga tama siya. Wala silang pakialam. Kaya nag-nod na lang ako at ngumiti. Bigla naman niyang tinabi ang buhok ko sa aking mukha.








"Halika, Yoong!" Aba! Kaladkarin ba naman ako nito?? Baka madapa pa ako ha.





"Yoong, sorry kung di ko nadala yung kotse ko ha. Kaya sa haba ng ating nilakad. Dito muna tayo sa dorm ko." Naku. Ayos lang yun. Atsaka wow ha ang ganda ng dorm niya.






"Ayos lang yun. Ang laki naman ng dorm mo ata. At syempre ang ganda nitong building." Nubayaaan?? Nabano na ako sa building ng dorm niya.







"Uhmm. Well, dito muna tayo sa dorm ko. Then, pupunta na tayo sa Secret Place." Hah??? Makakapasok ako sa dorm niya?? Omgeee. Tapos anong Secret Place?







"Yoong! Ito nga pala yung number ng dorm ko 143. Wag mong kalimutan ha. 143 means I love you." Sabay smile. Yieee. Kakilig naman siya!





"Ang ganda naman ng dorm mo. Masyadong organize ah. Tapos yung living room at kitchen. Tapos may parang balcony pa." Totoo talaga. Ang ganda. Maganda ang tanawin dito sa may balcony. Siguro lalo na kapag gabi.




"Hahaha. Ikaw talaga Yoong. Syempre. Ano ako, papupuntahin yung girlfriend ko na pangit ang dorm?" Sweet niya di ba???



"Uhmm.. saan ka pupunta??"




"Yoong! Maliligo muna ako bago tayo mag-date." Sabi niya sa akin. OMGG!! At kinuha niya ang towel niya at hinubad ang t-shirt niya. Mygaawwwd! May abs siya. Ganda ng katawan! Naku Yoong. Wag kang gumaya kay Taeyeon na BYUNTAE!



"Ahh okay.." Yan lang nasabi ko.



Nilibot ko naman yung dorm niya. Then, pumasok ako sa loob ng kwarto niya. Pagtingin ko sa may cabinet. May nakita akong pictures niya. GWAPOO eh!!! May isa pa akong nakitang picture na nashock talaga ako. Pero hindi ko na din nakita yung iba kasi bigla na lang siyang pumasok.



"Yoong! Anong ginagawa mo dito?" Aahh. Ambilis naman ata niya. Siguro nagshower lang siya.



"Wala tinitignan ko kasi yung mga pictures."




"Yoong! Wag ka na ulit papasok dito ahh." Hah?? Bakit naman?? May problema ba? Or baka may tinatago siya importante. Bahala na. Basta umalis na ako sa kwarto.








"Luhan..." Sabi ko sa kanya na medyo malungkot.




"Oh bakit?"




"Luhan, bakit may picture ka ni Seohyun?" Oo mayroon siyang picture ni Seohyun na kinagulat ko kanina.




"Seohyun?? Ano bang pinagsasabi mo? Tskk. Ikaw talaga! Ako lang yun." Hah? Pero nakita ko talaga eh. Atska bakit naman siya nagulat nung sinabi kong Seohyun?? Pero yaan na lang. Baliwalain na lang.







"Yoong! Halika na." Yaya niya sa akin at hinawakan ang wrist ko palabas.







"Oo nga pala. Yoong, di tayo magkokotse ha. Lakad na lang tayo" Nakuu. Luhan. Ilang beses ko ba uulitin na ayos lang.





"Ano ka ba? Ayos lang noh. Nakakahiya naman kasi kung gagastos ka pa ng pang gas." With a matching smile at pinisil niya ang cheeks ko at sabay yakap.











And ito na ata yung sinasabi niyang Secret Place. Ang ganda ganda naman dito ahh. May mga lanterns sa bawat puno at ang daming flowers. Well, medyo magagabi na kasi.




"Yoona, doon tayo umupo sa puno." Ang ganda nung puno. Aba! Mayroon ng seat para sa amin. Good for 2. Parang ROMANTIC PLACE.





"Luhan, pinagawa mo ba talaga ito?" Hihi tanong ko sa kanya.




"Oo naman. Para sayo. Kasi balang araw babalikan din natin itong dal'wa. Promise mo sa akin ito ha?" Wow! Na-touch naman ako doon.



"Promise! Luhan, oorder ba dito?" Tanong ko kasi gutom na ako.




"Hindi. May prepared food na dito." Ahh. Tapos bigla naman may tumugtog ng violin at piano.




"Luhan, kakahiya naman 'tong suot ko sayo. Nakapang-school pa ako." Sino ba naman hindi mahihiya di ba?



"Yoong, ayos lang yan. Ganan ang gusto ko sayo eh. Napakadown mo. Pwede ka bang magyabang minsan. Kahit huwag yang pinagyayabang mo na DYOSA KA NG KAGANDAHAN. Kasi alam ng mga tao yun." Yabang?? Hindi ko kaya eh. Kasi ang kaya ko lang ipagyabang ang mayroon ako.


Nagsmile lang ako sa kanya at pinatong niya ang kamay niya sa kamay ko.



"Ganda ng place di ba??" Oo naman. Bet na bet ko! Nagnod lang ako at sige smile na din.



"Luhan, natatakot ako." Sabay exhale. Kasi baka hanggang ngayon ko na lang ito maranasan.




"Bakit ka naman natatakot?" Tas tumawa siya ng mabilis.




"Kasi baka hanggang ngayon ko na lang ito maranasan." Sorry Readers. Madrama lang ako ngayon eh. Pagbigyan na. Simula kasi noong nakita ko yung may picture si Luhan at Seohyun. Nagbago na ang aura ko.



"Syempre, naman Yoona. Lagi kitang dadalhin dito." Tapos hindi na lang ako tumingin sa kanya. Kasi mapapaluha na talaga ako sa sobrang saya na may halong lungkot.




Dumating na agad ang food para sa amin. Nagstart na kaming kumain. Syempre, nagkwento si Luhan tungkol sa akin.



"Yoona, tanda mo ba noong first year tayo. Patay na patay ka sa akin?" Ihh naman. Wag mo na ipaalala Luhan ang mga kalokohan ko dati.



"Aah. Eh kasi naman! Nakakainis ka talaga. Hindi ka namamansin. Tapos sinasabihan mo pa akong panget. So ngayon nasaan na yung panget na iyon?" Hahaha. Don't he dare!




"Totoo naman kasi panget ka dati. Yung ang tan mo pa! Pero syempre naman. Dahil malaki ang pinagbago mo! Naging crush na kita." ^_____^ <------- expression niya. Kaloka eh.



"Ihh. Ewan ko sayo!" Nagcute face na naman si Luhan.



-------


LuYoon <3

Keep supporting guys.

Vote & Comment



Sana po magustuhan niyo.. ^_______^

Mysterious Life of Yoona (Completed)Where stories live. Discover now