Nagkatinginan ang mag-asawa. Nakita kong tumango ang asawa niya sa kanya. Maya-maya ay napabuntong-hininga si Mayor bago bumaling sa amin.

"May dala ba kayong singsing?"

Umaliwalas ang mukha ko nang ma-realize na pumapayag na siyang ikasal kami. Pero agad ding bumagsak ang balikat ko nang ma-realize na wala kaming dalang singsing.

Pero nagulat na lang ako nang may biglang ilabas si Hero mula sa bulsa niya. Nanlaki ang mata ko nang ma-realize na singsing ang mga iyon.

"You brought a ring?" I asked Hero.

He smiled. "Couple rings. Dapat ibibigay ko ito sa'yo bago tayo umuwi sa Manila pero mukhang kailangan na natin ngayon."

Ibinigay niya ang isa sa akin na siyang isusuot ko sa kanya mamaya. Pagkatapos ay bumaling na kami sa Mayor. Mga ilang sandali lang ay sinimulan na namin ang seremonya.

Hindi ko na halos namalayan ang lahat. Ang alam ko lang, umiiyak ako habang sinasabi sa akin ni Hero ang vows niya. Maikli lang iyon pero naiyak ako. Nang ako naman ang magbibigay ng vows, hindi ko naman alam kung paano ako magsisimula. Buti na lang at nairaos naman namin iyon ng maayos.

At nang sabihin ng Mayor na kasal na kami, pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasayang babae sa mga oras na ito. Kung ngayon pa nga lang ay punong-puno na ng kasiyahan ang puso ko, paano pa kaya kapag totoong kasal na ang gagawin namin?

Nang matapos ang kasal, pinasalamatan namin ang mag-asawa sa pagpayag nila sa gusto namin. Bago kami umalis ay pinakiusapan na rin namin sila na huwag na sanang ipagsabi kahit kanino ang nangyari ngayon. Alam kasi namin ni Hero na magiging malaking eskandalo iyon kapag nalaman ng mga fans niya na nagpakasal siya nang walang pasabi, kahit pa nga ba hindi naman iyon legal. Nangako naman ang mag-asawa na hinding-hindi iyon malalaman ng kahit na sino. Mananatili iyong sikreto naming apat.

Pagkatapos naming magpaalam ay nagpasya kaming maglakad-lakad muna ni Hero. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko at maya't maya kong napapansin ang pagngiti niya. He looks really happy. Well, I'm happy, too. Kahit na hindi pa naman kami legal na mag-asawa, para sa akin, asawa ko na talaga siya.

"So, anong gagawin natin ngayon?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa hindi ko alam. Napansin ko naman ang pagngisi niya ng nakakaloko.

"Ano ba ang ginagawa ng mga couples pagkatapos nilang ikasal?"

Napakunot-noo ako. "Uh... honeymoon?"

Mas lalo siyang napangisi nang malawak matapos niyang marinig ang sagot ko. Nagtaka ako sa reaksyon niya pero mga ilang sandali lang ay na-realize ko na rin kung ano ang ibig niyang sabihin. Nag-init ang pisngi ko at dahil doon ay nahampas ko siya sa braso. Tinawanan niya lang ako.

"Huwag ka ngang nagbibiro ng ganyan," saway ko sa kanya.

"Baby, I'm not kidding. Iyon naman talaga ang ginagawa kapag bagong kasal, eh. Hindi ko naman sinabing gagawin din natin iyon. I'm just asking," natatawa niyang sabi. "Pero... pwede rin naman nating gawin kung gusto mo."

Inirapan ko siya. "Tumigil ka riyan, ah. Ang mabuti pa, sulitin na lang natin ang oras natin dito. Let's try some activities. Iyon na lang ang gawin nating honeymoon tutal ganoon din naman ang ginagawa ng ibang bagong kasal."

"Why? Ano bang ibang naiisip mong ginagawa ng mga bagong kasal sa honeymoon nila?"

Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako at inakbayan. Ang galing talagang mang-asar ng lalaking ito.

Pero sa totoo lang, naiisip ko rin talaga ang tungkol sa honeymoon na sinasabi niya. Hindi naman sa gusto ko nang gawin namin iyon. Kung tutuusin, hindi pa naman namin pwedeng gawin iyon dahil hindi pa naman kami legal na ikinakasal. Sumagi lang sa isip ko iyon dahil nabanggit niya. Kinakabahan tuloy ako sa mangyayari mamayang gabi. Baka kasi bigla na lang niyang maisipang gawin namin iyon. Hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi. Isa pa, wala akong alam doon. Hindi ko alam ang gagawin.

Dating My Sister's Idol (The Neighbors Series #3)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ