Animo'y sumama sa cosmos ang mga laman loob ko habang tumatagos siya pero nang makalagpas na siya sa'kin, nabuhos ko ang hiningang naipon ko.

"M-may napili na ako! S-si Orion!" Bumigat ang paghinga ko marahil sa pagtagos niya na ginawa niya.

"Huli na ang lahat para sa iyo tagapangalaga." Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa likod ng tainga ko.

Ang init na naramdaman ko kanina ay mas mainit pa sa apoy sa likod ko ngayon.

Isang hiling na lamang ang nais ko sa nalalapit kong katapusan. Sana sa pagkamatay ko sa kawalang ito ay siya ring katapusan ng cosmos na umangkin sa katawan ko.

Her hands struck my heart like a sharp knife pushed through my chest, ripping it open. I bowed down to see the cause of my death. But even it feels like my chest had been opened, I couldn't see even just a tiny wound.

"Wala nang lugar ang kaluluwa mo sa katawang ito." Rinig ko ang kasiyahan sa boses niya sa nakikitang pagdurusa ko.

Kahit pa hirap ako'y sinubukan kong pigilan siya. I held my body to stop her for a few seconds. Before I die, I want to see my Orion. I want to see his eyes for the last time. Babaunin ko pagpunta sa kabilang buhay.

Isang paraan lamang ang naisip ko upang magawa iyon. Inalis ko ang pagkakayakap ko sa katawan ko't inilipat iyon sa kamay ng cosmos na nakatagos sa puso ko.

I used it that force to pull her to me closer to me. Sa ganoong paraan, makakapasok siyang muli sa katawan ko't makikita kong muli si Orion.

Nagtagumpay ako sa plano ko. There he was, standing in front of me. He was panting and almost out of power. Gayunpaman, kitang-kita ko sa mga mata niya na hindi siya sumusuko at pilit pa rin akong ipinaglalaban.

"Oh my Orion, hindi ako nagkamali sa pagpili sa iyo."

My thoughts came over me. Lahat ng mga magagandang alaala kasama ang dalawang nilalang na nakilala ko sa hindi inaasahang paraan. Dahil rin sa kanila, nalaman ko na ang kaibigan kong si Iñigo ay isa rin pa lang katulad nila.

Everything came to me as a surprise but that was the best surprise I had in this lifetime.

"Iñigo! Ang selyo!" Sumigaw si Orion. Wala akong ideya sa ginagawa nila, hindi ko makita si Iñigo dahil nakatuon lamang ang mga mata ng cosmos kay Orion.

"Ibubuhos ko na ang buo kong lakas sa huling pag-atake kong ito. Siguraduhin mong magtatagumpay tayo sa plano." Bumagsak si Iñigo sa tabi ni Orion na tila nanggaling sa mataas na lugar.

"Huling pagkakataon na natin ito. Alam mo na ang gagawin mo Orion." Wika ni Iñigo.

Pumapalag ang cosmos na makatagos sa katawan ko pero pinipigilan ko lamang siya. Kailangan kong makita at marinig ang plano nilang dalawa.

Orion charged all his power left. Tumatagas ang dugo sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Alam kong hindi na iyon makakabuti sa kanya kahit pa isa siyang Henki. Si iñigo ay nag-umpisa nang maglabas ng usok sa kanyang katawan habang patuloy pa rin sa pagbulong ng mga salitang orasyon.

"Kaawa-awa ang mga kasamahan mo. Magpahanggang ngayon naniniwala pa rin silang natatalo nila ako." Nagsalita ang cosmos gamit ang nakakakilabot niyang boses.

Hindi ko na sinagot ang cosmos, alam ko sa sarili ko na imposibleng matalo ko siya at hindi rin ako sigurado kung matatalo rin siya ng mga Henki.

"Hahayaan kitang makita sila sa huling pagkakataon." Ibinalot ng cosmos ang berdeng apoy sa'king katawan. Hindi ko na siya pinigilan dahil alam kong hindi na rin naman siya aalis sa katawan ko.

Umagos ang lawa ng luha sa'king mga mata. Hindi ako makapaniwala na sa ganitong paraan ako mawawala sa mundong ito. Lalong hindi ako makapaniwala na dahil sa kagagawan ko, mapapahamak ang lahat ng nilalang sa iba't ibang mundo.

Naramdaman kong ilang sandali na lamang ay tuluyan na akong mawawala sa sarili kong katawan. Kaya naman matapos kong pagmasadan ang mata ng aking mahal, pumikit ako upang tanggapin ang aking katapusan.

"Patawad." Tanging salitang nasambit ko sa ilang segundong malalabi sa buhay kong ito.

"Sa ngalan nang liwanag ng araw at buwan. Sa pagpasok ko sa kanyang kaharian. Linisin ang itim na kaluluwa at baliktarin ang sumpa!" Bumaybay ng mga salita si Iñigo kasabay sa pag-atake ni Orion sa'king katawan.

Tumibok muli ang puso kong nanghina na kanina lang. Nagawa kong makasilip sa mga kaganapan. Malapit sa mukha ko si Orion, hawak niya ang malaking bola ng liwanag na kanyang itinutulak sa dibdib ko.

"Hindi na natuto ang isa ito!" Bulalas ng cosmos.

Sandali niyang itinigil ang pag-angkin sa katawan ko at nagpakawala nang itim na usok upang itulak ang kapangyarihan ni Orion.

Malakas na sigaw ang narinig ko mula kay Orion. Sadyang mas malaki ang kapangyarihan ng cosmos kaysa sa kapangyarihang meron si Orion. Hirap na hirap na siya sa pakikipaglaban sa cosmos.

I focused my mind to find peace inside my heart. I'm giving up.

But my heart shouts the love I have for Orion. A call which I couldn't resist.

And with that love I knew I can help him. And maybe, just maybe we can finally be together happy.

"Huwag mong..." hinugot ko mula sa puso ko ang lakas upang matulungan si Orion. "...sasaktan ang mahal ko!"

Hindi ko man lang alam kung pa paano ko nagawa, ngunit naglabas nang malaking bola ng liwanag ang puso ko. Dahilan upang tumalsik ang cosmos sa malayong kawalan.

It was like I came back to my senses. Itinigil ni Orion ang kapangyarihan niya at inalalayan ang katawan kong wala nang lakas.

His face brighten as I say his name. It was as if he knew even which just a simple smile of mine, that I was finally back to my own body.

"E-esmé..."

For the first time, I saw him cried. His tears mixed with the blood that already dried up on his face.

Nagawa kong mapunasan ang luhang tumutulo sa kanyang pisngi. "M-maraming s-salamat, mahal ko." I smiled despite of my weakness.

"B-bumalik ka, huwag mo akong iiwan." He said in his shakey voice.

Matipid na ngiti lamang ang naisagot ko sa kanya. I was too weak. Iñigo came rushing to me. Mayroon siyang idinikit sa noo ko. Isang papel na may orasyon.

"Hanggang ngayon matigas pa rin ang ulo mo Esmé. Malaking gulo itong ginawa mo. Mabuti na lang at naharangan ko ang lugar na 'to. Kung hindi baka marami ng tao ang nadamay." Gustohin ko man humingi ng tawad ay hindi ko na magawa.

"Walang kasalanan si Esmé. Ako. Ako ang may kasalanan nito." Pag-aako naman ni Orion.

"Hindi ko siya kayang pagalingin. Hindi ako pamilyar sa kapangyarihang may gawa nitong mga sugat niya." Ani Iñigo.

Sa likod ng isip ko, naririnig ko ang cosmos na bumubulusok na sa galit. Sa isip ko nakikita ko siyang mabilis na bumabalik sa kaluluwa ko.

"H-hindi na ako magatatagal. Kailangan mo nang magmadali Orion."

Tahimik na napatingin ang dalawa sa'kin, hinihintay ang solusyon ko sa problemang kinakaharap namin.

"Angkinin mo ako, mahal ko."

"

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।
She's the Legendजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें