CHAPTER 20: First Conversation

17K 338 6
                                    

ALYANNA'S POV:

"Can you stop dragging me?" naiinis na tanong ko dito sa lalaking humahatak sakin pero wala man lang akong maantay na sagot mula sa kanya

"Hey!" kalmadong tawag ko sa kanya pero di pa rin siya sumasagot

Wala na akong energy para makipag away sa kanya kasi naubos na kanina lahat ng lakas ko dahil sa nagtapang tapangan ako kanina laban dun sa MG.

At dahil feeling ko naubusan na ako ng lakas ay hinahayaan ko nalang siya na gawin yung gusto niyang gawin dahil sa ako lang rin naman ang maiinis kapag pinatulan ko siya.

Bigla kaming pumasok sa elevator at dun ko lang narealize na dadalhin niya ako sa may rooftop, na kung nasaan yung hideout nila.

"What are we doing here?" nagtatakang tanong ko sa kanya pag dating namin sa may hideout nila pero hindi pa rin aiya sumasagot tapos umupo lang siya sa may sofa

"Wow!!" na-amaze na sabi ko nung makita ko yung itsura nitong hideout nila

First time ko kasing makapunta dito since sabi ni Jessica, silang apat lang ang may access dito at ibig sabihin nun walang ibang pwedeng pumasok except nalang kung kailangan nila magpalinis sa school maintenance.

Pina-renovate nila itong storage room dito sa rooftop at pinagawa nilang hideout. Pinalagyan pa nga nila ng code lock yung door dito sa hideout, yung parang pinto sa mga hotel or condo.

Jessica said that Joseph is the one who ordered the school to renovate the storage room into their hideout. Well, he has the right to say that since he is the son of the owner of this school.

"Maybe now you're thinking that you can easily come in here since Ernest has announced to the whole student body that you're one of us?" sarcastic na tanong niya sakin nung mapansin niyang natuwa ako sa itsura nitong hideout nila kaya naman inirapan ko siya

"Sino kayang nag dala sakin dito?" naiinis na tanong ko habang naka tayo dito sa harapan niya

"Don't even dream about that because you will never become one of us" seryosong sabi niya ulit sakin kaya ngumiti ako

"Do you think I want to become one of you? Let me remind you that I never asked any of your friends to do that. What do you expect? I would cry out of happiness because I'm now one of you. You wish!" naiinis na sabi ko sa kanya habang naka upo siya dun sa sofa

"Bakit mo ba kasi ako dinala dito?" naiinis na tanong ko sa kanya

"Wag mong sabihin na dinala mo ako dito para lang ipamukha sakin na never ako magiging isa sa inyo! Kasi kung iyon lang naman ang sasabihin mo, wag kang mag aalala dahil hinding hindi ako sasali sa grupo niyo!" naiinis na sabi ko sa kanya tapos bigla naman siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya

"For your information, that is not the reason why I brought you here" sarcastic na sagot naman niya sakin

"Then why did you drag me here?" seryosong tanong ko ulit sa kanya tapos bigla siyang naglakad palapit sakin. Yung as in naka tayo talaga siya sa harapan ko

"I really need to talk to you" sabi niya habang naka tingin ng sobrang seryoso sakin

"Talk about what exactly?" nagtatakang tanong ko ulit sa kanya

"I need you to talk to Grandma" sabi niya tapos kaya ngumisi lang ako

"Paano kapag ayaw ko?" sarcastic na sagot ko kaya naman niya ako inirapan

Secretly Married To The Campus PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon