IGY♡ Chapter Three

Start from the beginning
                                    

At kaya ko naman ginawang ringtone yun para siguradong masasagot ko agad yung tawag dahil nga sa ayokong marinig yung song.

Abot hanggang tenga yung ngiti nga makita kung sino yung tumatawag. "Hey TanTan!" masayang sigaw ko kay Tristan na nasa kabilang linya. Tinatawag ko siyang TanTan pag gusto ko siyang inisin, hate kasi niya pag tinatawag ko siyang ganun, ang cute kaya nung TanTan.

"Stop calling me that!"

"Nope" natatawa kong sagot kay Tristan.

"Where are you? Dito na ako sa canteen." Tristan on the other line.

"Coming TanTan, este Tristan." asar ko kay Tristan

"Ha-ha-ha, bye." pekeng tawa ni Tristan sabay hung-up ng phone.

Binabaan ako?

Ang bastos naman ng lalaking yun?! Naunahan pa akong mag-baba ng phone.

"Happy much Carlie?" napailing-iling si Mitch while giving me 'I-pity-you' look.

"Ohh, whatever Mitch." yun nalang ang nasabi ko para matapos na.

Finally for 123456789 years nakarating din kami sa zoo....este sa canteen.

Canteen pa ba toh? Ang daming studyante at ang ingay-ingay pa, isipin mo nalang na parang mga hayop  na nakawala sa zoo.

Naka 360 degrees na yung ulo namin ni Mitch kakahanap kung nasaan na si Tristan. Since matangkad si Tristan nakita namin siya nung tumayo at kumaway siya sa amin. Dali-dali rin kaming pumunta sa table ni Tristan na may kasama palang ibang studyante.

 "Here. Dito kayo umupo." yaya ni Tristan. Sa right side ko si Tristan while si Mitch to my left.

Napansin ko din na may babae silang kasama, may pagka-chinita na magandang babae. Wala naman, napansin ko lang.

"Oo nga pala guys, this is Carla my best girl and friend Mitch." pakilala ni Tristan sa mga kasamahan niya habang naka todo smile sakin.

Anong ibig sabihin nung best girl? Pwede ba Tristan klaruhin mo, gawin mo nalang kasing girlfriend. Pinag mi-mis-interpret mo ako eh.

Narinig ko namang nag smirk si Mitch, pero mahina lang at mukhang hindi naman narinig ni Tristan.

"And Carlie, Mitch, sila naman yung mga ka-varsity ko sa basketball, mga seniors ko sila." sabi ni Tristan sabay turo sa kanila. "Ian, Mark, James and Billy." Isa isang turo ni Tristan, in fairness may mga looks sila.

Wow, varsity na agad si Tristan?! It's just freaking first day of school.

"Hello sa inyo." Sabi ko sa ka-varsity ni niya.

"Hi guys." masayang bati ni Mitch

"Nice meeting you pretty ladies ." sabat ata ni Mark with flirt mode activated.

"So, ikaw pala si Carlie? Nabanggit kana sa'min ni Tristan. Ang ganda mo pala lalo na 'tong si Mitch." sabat naman ni Billy, na mukhang babaero ang dating. Na-flaterred naman ako ng konte, hindi tulad nitong si Mitch abot tenga ang ngiti.

Siniko ko si Mitch para matauhan sa pag de-day dream.

"Behave ka nga Billy, umandar na naman yang pagka manwhore mo." biglang sabat nung babae na kasama nila.

On cue namang nag-salita si Tristan. "Ay siya nga pala Carlie, this is Samantha Nicole Yap, ka-blockmate ko at pina kilala niya ako sa kuya niya na team captain ng basketball varsity." Nagkatinginan sila ni Sam.

I Got YouWhere stories live. Discover now