CHAPTER FOUR: THE TRAINING

16 8 0
                                    

RED's POV
Nakita ng aking dalawang mata ang pagkahulog mula sa puno ng isang tao nang tinapunan ko ng dalawang dagger sa puno na pinagtataguan niya. Tumingin naman ako kay Professor Nicolas na tinitingnan mula sa kanyang kinauupuan ang nangyare.

Lumapit ako sa puno at nakitang tumayo siya at hinawi ang iilang hibla ng buhok na nakatakip sa ilang parte ng mukha niya.

Nagulat naman ako nang mamukhaan ko kung sino ito.

"Leaf?" ani ko na sinisigurado pa na siya nga yun.

"Apo?" sabi naman ni Professor Nicolas at napatingin kami pareho sakanya.

"Lolo." sabi naman ni Leaf at bumaling naman ako sa kanya.

Wait. Kilala nila ang isa't-isa?
Lolo? Apo? The heck's happening here?

"Wait you knew each other?" tanong ko.

Pareho naman sila tumango.

"Leaf is my apo Amie. Anak ko ang papa niya." sagot ni Professor Nico.

"Then, kung kilala mo si Professor, why were you hiding in that tree?" tanong ko giving him a confused look.

"Uh--hindi ko naman kasi ako sigurado kung gusto mo akong isama dito kahit malaman mo na kilala ko ang nakatira sa bahay na 'to." sagot niya walang kaekspre-ekspresyon ang mukha at di makatingin saakin ng diretso.

Napaisip naman ako ng nakita ko ang sugat sa pisngi niya at naaalala ang dugo sa espada kahapon.

"Where did you get that one? In your cheek?" tanong ko.

Is it me? Or nakita ko talaga siyang nataranta ang mukha.

"Ikaw ba yung nadaplisan ng samurai sword kahapon mula sa puno na yun?" tanong ko at tinuro ang puno kung saan din siya nahulog kanina.

RED's POV
"Yes." sagot niya sa tanong ko na hindi tumitingin ng diretso sa akin. Napapansin ko yun sa kanya palagi kahit bilang lang sa kamay ko ang pag-uusap namin.

I raised an eyebrow to him.
"Why didn't you show yourself? Kung apo ka naman pala ni Professor, ba't di ka pa nagpakita kahapon?" tanong ko.

Napakamot siya sa noo.

"I didn't know that he's the one living here. I just saw you running to the woods yesterday and I followed." sagot niya.

I sighed at lumingon kay Professor.

"I'm sorry, Sir. Di ko naman kasi alam na siya pala yun at apo niyo pala siya." sabi ko.

Ngumiti naman si Professor.
"It's okay Amie. By the way,did you say na nadaplisan sya kahapon ng samurai sword ko?" tanong niya.

"Ah, yes Professor. Kaya nga alam ko na natamaan sya nun kasi may dugo sa espada."

Nag-iba naman ang ekspresyon ng mukha ni Professor. Sumeryoso ito ngunit nawala rin naman agad.

"Hmm, I wonder." bulong niya pero narinig ko parin.

Nagkatinginan naman kami ni Leaf pero umiwas agad siya.

Aishh, lalaking 'to talaga. Kailan kaya magbabago ang ekspresiyon ng mukha nito? Hindi ba siya ngumingiti man lang?

I cleared my throat.

"Professor. I have a task given to me by Madam Seville. I have to train with Leaf. So, can you help us?" sabi ko.

Tumango naman siya at ngumiti. "Of course. When will we start?" tanong niya.

I smirked and look back at Leaf na nakatayo parin na parang statue.

Secrets Untold (The Phoenix's Firstborn)Where stories live. Discover now