8 by 8: Ascii Macaraig. Weird name, I know.

39 2 0
                                        

Napakaboring. Wow. Nakakasurpresa talaga ang biglaang pagkabored ko rito sa sitwasyon ko. I'm pushing a grocery cart at the moment while following Nam's steps. He's putting—no, he's throwing grocery items onto the cart na para bang basketball player siya. Porke't 5'10 ang height, he's showing off one of his skills in front of his newfound audience in the form of moms with babies.

Ang ganda rin ng grocery store na'to. We're the only young ones here. Ang iba kasi ay young (once). Oops~ A pun.

I sighed while examining my thoughts. Napakarandom kong tao at napakasimpleng mag-isip. Of course. Duh~ I don't want complicated things. Ang gulo kasi. Nakaka-hassle.

BOINK.

"Aray!" reklamo ko nang matamaan ng isang can ng sardinas. Lumingon naman si Nam at balewalang tinitigan ang latang gumugulong ngayon sa sahig. He turned back and continued walking while totally ignoring what happened.

Sinadya ng walanghiya!

"Look, baby. You're going to be like that young man someday. Cool and Respectable."

"Oh my. What a source of inspiration. That young man is gorgeous and he looks smart too."

I just wanna escape from this place. Pakiramdam ko ay napapaligiran ako ng mga kampon ni Nam. I'm turning mad.

"Bilisan mo kaya!" sigaw ko kay Nam na parang nag-s-slow motion pa sa paglalakad. Nananadya ba talaga 'tong isang 'to o kagaya ng laway niya ay tinitipid niya na rin ang kanyang energy?! "Wallace said we have to hurry."

Tumango lamang si Nam nang hindi lumilingon at lumiko papunta sa location ng mga chips. Teka nga, chips aren't part of the list Wallace gave us.

"Oi... Anong ginagawa natin dito sa Chips Aisle?" tanong ko habang tinititigan ang napakaraming brands at flavors ng chips. Sinundan ko na lang si Nam habang tulak-tulak pa rin ang cart naming punung-puno na. Nam is now staring at the potato chips area. He begins throwing different potato chips inside the cart.

Nanlaki ang mga mata ko sa mabilis niyang paggalaw at agad na nagprotesta sa ginagawa niya.

"Hey, you can't just throw those chips here! Ikaw ba ang magbabayad ng mga 'yan ha?!"

Of course. Tama lang ang perang binigay ni Wallace sa amin para bumili ng stock para sa inventory ng bar. Don't tell me, this laconic justice freak is going to force me to pay?!

Nakita kong halos trenta na ang nalalagay niya sa cart kaya sinigawan ko ulit siya.

"Ano ba?! Ba't ang dami niyan?!" pagrereklamo ko at nauubusan nang pasensya na sinuri ang mga flavor na pinipili niya.  "Ano ba 'to? Pangit ang flavor na 'yan! Dumbass! Expert ako sa ganito kaya huwag mo akong titigan nang ganyan!"

Binalik ko sa shelves ang mga pangit ang lasa at kumuha ng iba. I was actually surprised when I looked at the prices. Clearly, the owner isn't properly following the SRP of the goods here. Ang taas ba naman ng itinaas ng presyo.

"The price raised for about 2 percent! Huwag mo na lang bilhin 'yan!"

Nagulat na lang ako nang biglaang umalis si Nam and he's now the one pushing the cart.

"Wait up! Ako na ang magtutulak, baka mapagalitan ako ni Wallace kapag nahimatay ka rito!"

He suddenly stopped pushing the cart and started walking ahead while putting his hands in his sweater's pockets.

"Sana mapanis ang laway mo," bulong ko at itutulak na sana ang cart nang may maramdaman akong mga babae at batang tumitingin sa direksyon ko. "What are you looking at?!" I hissed and gave them a glare.

Case-by-CaseWhere stories live. Discover now