"Ay ang sweet mo dude! Akala ko ba ayaw-"

Pinandilatan ko siya.

"Ah. Hehe. Oo nga naman maam. Mas okay po ata kung ang pinsan ko nalang ang  sasama sa akin."

"Kung yan ang gusto mo Mr. Lopez."

Yucks! Ang sagwa talagang mag pa cute ni Miss.tsk tsk.

Inayos muna nila ang lahat ng papeles na kailangan ni Nathan upang makapagsimula na siyang pumasok bukas bago kami tuluyang lumabas sa faculty.

"Idadaan kita sa magiging room mo para alam mo na kung saan ka didiretso bukas. Pagkatapos nun pwede ka nang umuwi. Oh eto. Spare key ng bahay. Wag mo yang wawalain. Di na kita bibigyan ng bago."sabi ko sa kanya sabay hagis ng mga susi .

"Whoa? Akala ko ba sasamahan mo akong maglibot?Ba't parang pina uuwi mo na ako agad?"

"May angal ka?"

"Badtrip ka naman dude eh! Kung di mo naman pala gustong samahan ako Eh ba't ka pa nagpresenta kanina? Tss. Sayang naman yung dalawang chicababes na makakasama ko sana. Badtrip katalaga kahit kailan dude!"

"Tss ! Anong chikababes?  Ang papangit kaya ng ina ppoint ni Ms. , pasalamat ka nga at nagmagandang loob akong samahan ka ngayon eh."

"Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari dude eh  di sana 'no thanks' nalang yung sinabi ko sayo kanina. Aish!"

"Joseph!"

Agad akong napalingon sa may ari ng boses na tumawag ng pangalan ko. Ano kaya ang kailangan nito sa akin.

Lumapit siya sa amin.

"Oh Isla may kailangan ka ba?"

"A-Ah hehe. Wala. Hindi ka kasi pumasok kanina kaya nung nakita kita eh tinawag nalang kita."

"Ah. Ganun ba."

"Hey! Di ba ikaw yung chick na naghatid ng sopas kanina sa bahay?"

IT STARTED WITH A TEXTWhere stories live. Discover now