Anak ng...
"S-San kayo pupunta?" Tanong ko habang nakatingin kay Jenny.
"Sa faculty, pinapatawag kami ni Miss Albaya"
'Sa faculty?? Eh nandon si Nathan eh!! '
"A-ah ano. Sabi ni Miss Albaya na wag na daw Kayong pumunta"
"Huh? Bakit wala pa ba yung special transferee? Aisst! Excited pa naman sana akong maging tour guide."
"Ano? Tour guide? " baling ko kay Jasmine.
Loko na! Di kaya si Nathan ang tinutukoy nilang special transferee?
"Yeah. Tour guide. Kami ang mag to-tour sa-"
"Alam ko! Alam ko!"
"Eh alam mo naman pala bat-"
"Bumalik na nga lang kayo sa room!"
"Pinapapunta nga kami ni Miss Albaya diba?"
"Hindi na nga raw kayo papupuntahin di ba? Ang tigas ng ulo eh. "
"Eh di babalik. Problema ba yan! Tsk. Di naman kasi kailangang sumigaw eh. Halika na nga Jasmine. Sira na ang mood ko." Pagmamaktol niya habang tumalikod pabalik sa room namin.
Di ko namalayan ang sarili kong sinundan siya at hinila ang kanyang kamay upang mapaharap siya sa akin at tinitigan siya.
"Sorry." Sensero kong sambit bago ako umalis at tinahak ang daan pabalik sa faculty.
****
Jenny's P.O.V
Para akong naging statwa sa kinatatayuan ko.pakshet! Pakshet Joseph! Galit ako eh! Galit ako! Sana!!
"Hoyyy!"
"Ay shemay!" Bahagya akong napa iktad sa ginawa ni Jasmine.
"Ay taray best! Natulala? Natulala? Kinilig? Di maka get over sa kilig? Di-"
"Mag tigil ka nga jan."
"Uy uy uy! Ano yang ngiting yan?"
"Huh? Anong ngiti? Neknek mo jan." Tinalikuran ko nalang siya. Duh bahala ka jan Jasmine ka!
"Ayiee. Kinikilig si-"
"Hep! Wag ka nang ganyan Jasmine!"
YOU ARE READING
IT STARTED WITH A TEXT
RomanceTitle: It started with a text Author: sip123 Link: https://www.wattpad.com/story/35124941-it-started-with-a-text Prologue: I never knew love. I didn't experience to have a special someone either. Well, except for my family and friends of course. And...
The transferee
Start from the beginning
