"Hala! Kilala nyo ba yan?"

"Sino?"

"Yang gwapong kasama ni Joseph."

"Ayyyy! Gwapooo!! Parang bagong salta ata eh! Naka civilian eh."

"Ay oo nga! In fairness gwapo te! Pareho silang gwapo!"

"Luh baka mag kapatid sila?"

"May kapatid ba si Joseph?"

"Ewan. Hmm  .. Parang wala naman ata, baka pinsan te."

Tinignan ko ang mga babaeng nag bubulungan sa gilid ng pathway kung saan ako dumadaan. Awtomatiko naman silang napatalikod.

"Luhh tee. Mukhang narinig tayo ni Joseph."

"Huwag ka ngang maingay jan. Wag ka nalang lumingon."

Tss.

Bigla ko namang napansin ang presensya ng kamay ni Nathan na umakbay sa akin.

"I told you! Pagkakaguluhan tong ka gwapuhan ko dito sa school nyo!"

"GGSS Masyado dude! Bitiw nga! Bakla ka ba? Tss"

"Ang sungit mo dude! Ihatid mo na nga lang ako sa Faculty nyo!"

"Ayan!" Turo ko sa two-story building na nasa gilid ng canteen ng school namin. "Yang pina ka dulong room sa first floor ay ang faculty ng Grade 10. "

"Alam ko ulol! Nag punta na nga ako dito nung naka raang araw di ba?"

"Eh ba't ka pa magpapahatid? Loko!"

"Eh dapat mo lang akong ihatid no! Baka ma rape ako ng mga students dito! Nakakatakot! " sabi niya habang niyayakap ang sarili.

Tss. Ang bading talaga nitong pinsan ko!

Di ko na pinansin ang loko at nagpatuloy lang ako sa paglalakad patungo sa room namin na nasa second floor.
I just waved my hand at him kahit na nakatalikod na ako sa kanya. Rinig ko ang pag tawag niya ngunit nagpatuloy lang ako sa pag akyat sa hagdan.

"Bilisan mo nga dyan Jasmine! "

"Ay! Excited masyado te! Oh? Joseph! Ang aga mo yata? Patay ka! Nag quiz kami kanina. 500 items."

IT STARTED WITH A TEXTWhere stories live. Discover now