Chapter Eleven

3.5K 201 25
                                    

Lissy's POV

"Wake up, sleepy head."

Napangiti ako, isang malambing na boses ang naririnig ko.

"Hey, baby, wake up. Stop dreaming about me."

Hindi pa rin ako kumikilos dahil masarap lang talaga pakinggan ang boses nito.

"Baby."

Naramdaman kong may lumapat sa bibig ko, malambot medyo basa. Parang may humahalik sa akin. May humahalik sa akin? Napamulat ako ng mata at may mukha nga na napakalapit sa mukha ko, kissing me. Naitulak ko ito at napagtantong si Kiel pala.

"Good morning, baby, gusto mo lang pala magpahalik para magising ka." nakangising siya matapos ko siyang itulak.

"Paano ka nakapasok sa kwarto ko?"

"Dumaan ako sa pinto."

"Bwesit! Ang aga mong piloposo!"

"Oh bakit? Nagtatanong ka paano ako nakapasok ng kwarto, edi dumaan ako sa pinto alangan naman sa bintana o 'di kaya sa dingding."

"Kiel!" sigaw ko rito na naiinis na.

Tumawa naman ito at nag-peace sign pa.

"Bukas po kasi ang pinto mo at kanina pa kita kinakatok hindi ka nagigising. Pagpihit ko ng doorknob mo, nakabukas kaya nandito ako ngayon. Okay na po ba? Pasado na po ba paliwanag ko?"

"Fine! Lumabas ka muna at maliligo na muna ako."

"Bilisan mo at gutom na ako."

"Oo na, kaya labas na agad."

Nang umalis na ito, hinagilap ko ang mobile phone ko. May binabasa akong kwento na nakatulogan ko na kagabi. Kinapa ko ang higaan pero wala, tiningnan ko rin ang ilalim ng unan wala rin. Tumayo na ako sa higaan at hahalukayin na sana ng mapansin ko na nasa side table pala ang hinahanap ko.

Napaisip ako kung paano ko nailagay sa side table ang phone ko kagabi pero wala akong matandaan. Bumalik nalang ako ng upo sa kama ay binuksan ulit ang kwento.

"Baby, mamaya na yan, kain na muna tayo. Mamaya ka na rin maligo, okay pa naman ang amoy mo. Gutom na talaga ako." ani ni Kiel na nakasilip ang ulo sa pinto.

"Oo na, oo na, aga mo naman mangulit."

Ngumiti lang ito at umalis na. Nag-ayos na rin ako para maghilamos at lumabas papunta sa hapag-kainan.

"Wow ang dami mo naman pinaluto, mauubos ba natin lahat yan."

"Uubosin natin yan para magkalaman ka naman."

"Pakialam mo ba sa figure ko."

"Mas maganda ka kapag tumaba ka pa ng konti."

"Agang pambobola friend ah."

Natawa ito, hindi ko alam kung bakit pero ang ganda nitong tingnan habang tumatawa.

"Naiinlove ka na ba sa akin, baby? Kanina nasa panaginip mo yata ako, ngayon naman nakatulala ka sa akin."

"Kapal ng mukha, tinitingnan lang kita kung nababaliw ka na ba dahil tumatawa ka nalang diyan na wala naman talagang nakakatawa."

"Nakakatawa lang kasi ang pagtawag mo sa akin ng friend." tumawa na naman siya. "Parang baklang kaibigan ang kausap mo." natatawa pa rin na saad niya.

"Hindi kaya, baka guilty ka lang na bakla ka kaya feeling mo ganoon."

"What? Ako bakla? Girl sa gwapo at macho kong 'to, bakla ako?" nagboses babae pa siya at gumalaw-galaw pa na parang bakla.

OPPOSITE POLES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon