Chapter 18

66 1 0
                                    

Joshua's POV

Pagkain! Pagkain! Nasan ang pagkain?!?

"Horsey?!"

Halos patakbo akong pumasok dun sa villa na, sa wakas!, ay narating din namin! Papasok pa lang ako nang maramdaman ko ung kamay ni Janessa sa braso ko..

Janessa: Uy... Okay ka lang?

Napatigil akong bigla, sabay tingin sa kanya...

Ako: Nessy... 8 AM ang huli kong kain.. Umalis tayo snyo, 11... (tinapat sa mukha nya ung relo ko) Tingnan mo nga ung oras! 3 PM na!
Janessa: (napangiti) Really? Ang tagal pala nating nawala...

Uhmpf! Pigilan mo sarili mo, Joshua... Wag mong sasabunutan yan...

Hinila ako ni Janessa sa loob...

Janessa: Sige na nga, lika na... Gutom na rin ako eh...

Pagkapasok namin, biglang sumalubong ang sandamakmak na tao sa mukha ko! Whoa! Anoh toh? Buong angkan?!? Nawala yata gutom ko...

"Nessy!!!"

And, bago pa kami makarating sa ginto, sa oasis sa desert, sa hot chocolate sa snow -- okay, sa lamesa ng pagkain, ahyun, napaligiran na si Janessa ng mga tao from all shapes and sizes...

Janessa: (dun sa isang gurl na mukhang mas matanda sa kanya ng konti) Oh this guy? This is Joshua... Joshua, meet my cousins... Nicky, Autumn, Kelly, and Naomi...

Waaaaahhhhhh... Tatandaan ko ba un lahat? Hihimatayin na ko sa gutom! Waaaah!!!

Janessa: Do you mind if we eat first? We're starving from that roadtrip!
Kelly (yata ): Got lost again huh?
Janessa: No! That was called "exploring"...

Exploring?!? Kahit si Christopher Columbus bibigay dun sa "exploration" na un!

Naramdaman ko na lang na hinila ako ni Janessa palayo papunta dun sa pagkain... Pagkain!

Ako: (nag-sstock na sa plato) Pinsan mo lahat un?
Janessa: (naglalagay na rin ng pagkain) Yup... at least, sila lang ung kilala ko... Bukod kay Kristine na bumibisi-bisita sa States, ung mga un lang ung talaga nakilala ko, coz most of my cousins, dito nakatira...
Ako: Ahhh...

Kakaupo lang namin sa isang side nang bigla namang may lumapit na isang babae tsaka lalake...
Ayaw nila akong pakainin...

Janessa: Ate... Kuya...

Ate? Kuya?

Ate: So this the guy? (upo sa tabi ko)
Janessa: Yup... Josh, this is my Ate Janet... and this... (turo dun sa guy na tumabi sa kanya) is my Kuya James.

Teka, ung puso ko... masyadong napapabilis ang takbo..

Kuya James: How old are you?
Ako: 19 poh
Kuya James: (natawa) Bakit mo naman ako pino-poh?!
Ate Janet: (tingin dun kay Kuya James) Coz ur old!

Langya, nakiki-ate at -kuya naman ako noh?

Nag-usap-usap muna silang tatlo, ako naman, sinamantala ko na! Aba, tinatawag na ko nung lechon sa plato ko oh! "Joshua! Kainin mo na ko!" raw!

Janessa: (tumayo) Babalik ako... I'll just get myself some...hmmm... whatever it is on that box!

NOoooo!!!! Wag mo kong iwan!!!

Pero ahyun na, at diretso na sya dun sa box sa mesa... Sumulyap ako dun sa dalawa na nakatingin lang sa'kin... *gulp* Hyperventilating...

Ate Janet: So you're 19? Wow, we're the same age!
Joshua: Really?

Uh yah... 18 nga lang pala si Janessa...

Kuya James: Are you and Nessy dating?

Whaaa----?!?

Janet: Yeah! Are you!?
Ako: N-no...
Janet: Really? Bakit?

Anong bakit?

Ako: Uh, coz...we're just friends...
Janet: R-rreealllly? (tumawa) I think you two look so cute together!

Langya, anoh ba toh?!

Kuya James: Bakit ka nya dinala dito if you're not dating?
Ako: I don't know either... (subo muna, palipas oras)
Kuya James: At wala ka naman bang balak na manligaw?
Ako: Huh!? W-wala poh...
Janet: Awwww... why naman?

Eh kaseh...

teka...

bahket nga ba?

Because!

Janet: You know, you should..Date my sister, I mean... Abnormal kase yan eh... So picky when it comes to boys... Ang hirap hanapan! Trust me... I've set her up in, like, a dozen of blind dates, never worked out!

Blind dates?

Kuya James: Yeah... That girl needs a man in her life... Baka tumandang dalaga eh!

Bago ako makasagot, bumalik na si Janessa, may dalang leche flan sa plato nya...

Yan lang kinuha mo ang tagal-tagal mo?!?

Janessa: Anong pinag-uusapan nyo?
Janet: Nothing...

Tumayo na silang dalawa ni Kuya James, nagpaalam, tapos nakigulo na sa iba...
Whoosh! Nakahinga rin!

Janessa: What happened? Namumutla ka...

Lokong toh... Pigilan ba raw ang tawa!

Ako: Langya, ginisa ako eh! Manok na lang ang kulang, ulam na ko!
Janessa: (natawa) Chill out... Curious lang talaga mga tao dito syo, kase ngayon ka lang nila nakita...

Mga? Mga tao? Wait a minute!

Janessa: (turo sa likod ko) Oh, ahyan na sina tita... Papalapit na dito... (tingin sa'kin) Mukhang target ka uhlet, horsey ah...

Umikot ako para tumingin, at ahyun nga, may papalapit!

Ooohhhh hindeeeeeeeeeeee!!!!!!!

Puso ko... whoooo!!! Ahyan na! Napatalon na!

Langya, sobra kabahan noh?

GitaraWhere stories live. Discover now