Chapter 1

245 5 4
                                    

Joshua's POV

Anong petsa na?!?! Nasan na ba ung babaeng un?!?

Pyesta ng brgy namin... At gabi-gabi, may battle of the bands sa basketball court... Dati, hanggang nood lang kameng apat ng mga kabarkada ko -- syempre, kasama dun sa nood na un eh ung pang-aasar na rin...

Pero ngayong taon, kinulit kami nung kaklase ni Mark, si Carla, na sumali, sya ung isang vocalist... Desperada na un ma-discover eh... O siguro, di ganon ka-desperada... Dahil isang oras na kaming naghihintay dito sa basketball court, wala pa rin!!!

Mark: Langya, nasan na ba si Carla?!?
Ralph: Josh, tawagan mo na nga!
Ako: Hala, bakit ako tatawag?!? Eh may mga cellphone din naman kayo?!
Paolo: Lam mo naman pulubi kami sa load eh... Sige na, tawagan mo na...

Mga bubwit talaga tohng mga toh... Pasalamat sila, saksakan ako ng bait!

Kristine: Mukhang nawawala ung isa nyong vocalist ah?

Umikot kami para tingnan kung sino ung lumapit... Si Kristine, schoolmate namen at nakatira...dyan lang sa tabi-tabi... di ko alam kung saan eh... Malapit lang siguro kung nakikipyesta rin sya... May kasama syang isa pang babae, pero di ko kilala eh... Pero ang ganda ha!

"Hello?"

Ay, balik sa cellphone!

Ako: (sigaw sa cp) Bubwit ka! Nasan ka na ba?!?!
Carla: *cough* Inuubo ako eh... May lagnat pa... Ayaw *cough* akong palabasin...
Ako: Ano?!?!? Eh pano kame?!?
Carla: Sorry talaga... *cough* Lilibre ko na lang kayo sa turo-turo when I'm feeling better...
Ako: Cheap mo naman... Turo-turo lang? Gawin mo nang McDo!
Carla: Hala yoko nga, mahal dun eh! Bastah, *cough* *cough* kaya nyo yan... Karirin mo na lang ung kanta... Go Josh!

Pagkatapos nun, bigla akong binabaan... Lokong un...

Mark: (tinign sa'kin) Oh ano? Nasan na raw sya?
Ako: (binalik sa bulsa ko ung cp) Di raw sya makakarating eh... May sakit...
Paolo: HUwaAaAATtTTT?!?!??
Ralph: Pano tayo?!? Anong mangyayari sa'tin?!?? Pano na lang ung babae dun sa kanta?!?! Sya pa naman pumili nung kanta?!?! (hinila ung Tshirt ko) Anong mangyayari satin?!?!?!?
Ako: (hinila pabalik ung damit ko) Ano ba?! Di pa katapusan ng mundo noh... Mag-bback out na lang tayo...
Paolo: Eh tayo na sunod pagkatapos nung grupong yan eh...

Natahimik kaming apat...

Kristine: Kawawa naman kayo...

Biglang napatalon si Mark...

Mark: (lapit kay Kristine) Lam mo, Kris, lam ko namang talented ka eh...
Kristine:...
Mark: Baka gusto mong magpakitang-gilas ngayong gabi...

Hala, pati si Kristine hinaltak eh di naman kumakanta toh...

Kristine: (tinulak papalayo si Mark) Nababaliw ka na ba?!? Gusto mo bang magkaron ng 40 days and 40 nights na ulan?!?
Paolo: Sige na... Sandali lang naman eh... Kayang-kaya mo yan...
Kristine: Eh kung pag-untug-untugin ko kaya kayo?!

Bigla nyang hinila ung kasama nyang gurl na parang natatawa, sabay nabigla nung hinila sya ni Kristine...

Kristine: Ehtong si Janessa na lang! Pang-American Idol ang banat nyan!

Ahhh... Janessa pala pangalan nun...

Janessa: (napatingin bigla kay Kristine) Wha--?!?!

Tiningnan ko ung Janessa mula ulo hanggang paa... Sigurado bang nakakakanta toh? Eh mukhang hanggang beauty contest lang eh...

Mark: Sure ka? Kumakanta sya?
Kristine: Oo... Family singer yan... Tanging gifted child sa mga pinsan ko...
Janessa: Kris...?
Paolo: (lapit kay Janessa) Uh, hey, do you mind if you, ano, sing with us?
Ralph: Yeah... If you do, I will... (tumingin kay Paolo) Ano ngang english ng ililibre?
Kristine: (natawa) Mga sira! Nagtatagalog toh noh!
Paolo: Loko ka, bakit di mo sinabi?! Papahirapan mo pa kaming mag-spoken in dollar dito!
Kristine: Eh malay ko bang mag-eenglish kayo dyan...

Haaaaaaaayyyy... Bakit ba nila pinagdidiinan tohng babaeng toh?

Ako: Wag nyo na ngang pilitin yan... Mamaya, pang-karaoke lang yan eh!
Janessa: Excuse me?! Anong pang-karaoke?!?

Oo nga, nagtatagalog nga...

Hinila nya bigla si Paolo papunta sa stage -- tamang patapos na ung tumutugtog...

Janessa: C'mon, kung-sino-ka-man... What song are you gonna sing? I'mma be your other vocalist!

Whoa! Lakas ng fighting spirit ah! Oh well...

Sumunod na lang kami dun sa dalawa... Pag-akyat namin sa stage, tiningnan ako ng masama ni Janessa...
Hala, ganon ba ka-insulting ung sinabi ko?

Nagsimula na ung music ng "Hold You Down" ni JLo at Fat Joe... Si Carla pumili nito eh... Tapos sya pa wala ngayon! Grrrr!!! Nako, pag nakita ko talaga ung ---

Janessa: (kanta) Now you've been holding me down
For such a long time now
From back then
To now in my story
Straight from the hood
You've always been there for me

Whoa! Okay.... The girl CAN sing!

Napatingin ako kay Janessa -- kabisado pa ung lyrics ah... Tapos kay Mark, na nag-DDJ sa isang sulok... Nginitian ako nung mokong...

Okay fine... Mali na nga ako... Nakakakanta nga tohng...tohng... Tiningnan ko uhlet si Janessa... Ano bahng kapansin-pansin sa kanya? ung buhok nya! wahaha... parang ung kay Chun Li sa Street Fighter!!! Meatballs!

Nakakakanta si Meatball!

Pagkatapos nung kanta, halos standing ovation oh! , tumingin sa'kin si Janessa...

Janessa: Pang-karaoke ha?

GitaraWhere stories live. Discover now