Chapter 2

151 2 0
                                    

Janessa's POV

Tumingin-tingin ako sa mga people sa room... Hmmmm... Lahat sila may kausap -- except ung lalakeng natutulog dun sa isang sulok... Sigh... OP ang lola moh...

Bago matuloy ang aking pag-eemote, eh biglang pumasok si Prof...

Hmmm... Tingin taas-baba sa prof ko... Akala ko ba papable ang mga prof dito?! Bakit mukhang tindero ng shabu toh?!?

Tumahimik bigla ung klase... oh di ba? Ibang klase ang power ng presence ni prof! nyaha!

Prof: Okay... (binagsak ung bag nya sa lamesa) Lumapit kayo dito sa harap at bumunot ng number dito sa box na toh.. (may nilabas syang maliit na box from his bag) Then, look for the person with the same number, at un ang magiging partner nyo sa gagawin nating project...

Ang sungit naman nito!

Nagtayuan naman ung mga people at sumunod sa directions.. Pagkabunot ko nung number ko, bumalik ako sa upuan ko sa may likod...

#10? #10? Tingin ako sa paligid... #10? Yoohooo!!!

Tama yan, Janessa... Maririnig ka rin nyan after ilang decades...

"Oist, nakita kong #10 ka rin..."

Hmmmm... Familiar ung voice na un...

Umikot ako para tingnan kung sino ung nagsalita...

Oh hindeee!!!

Ako: Ikaw?!?!

Langyang luphet talaga ng fate!!! Bakit nandito si Joshua?!?

Joshua: Ikaw?!? Anong ginagawa mo dito?! Kailan ka pa pumasok dito?!?
Ako: Ngayon lang, nung pinasok ako ng pinsan ko... (kinuha ko ung papel sa kamay nya para tingnan) Sigurado ka bang #10 ka?! Baka naman iba yan!
Joshua: (inagaw uhlet ung papel) Anong tingin mo sa'kin? Di marunong magbasa?!
Prof: Ehem!

Napatingin kame sa harap... Kaming dalawa na lang pala ang nakatayo... Syempre, sino pa nga bang titingnan ni Professor Adik?

Dahan-dahan kaming umupo ni Joshua...

Prof: Okay, since we're all FINALLY ready... (tingin sa'min ni Joshua) I'll explain the project to you...

*sniff* *sniff* Stranded ako kay Joshua... Waaaaaaaaaaahhhhh!!!

Prof: Compose your own songs to sing in front of class... Complete with the music and lyrics... You have one week to prepare...

Ugh! Too much work!

Ako: (bulong kay Joshua) And why do we have to do this in Theater class again?
Joshua: (bulong pabalik) SSsshhh!

Upo uhlet ako nang ayos... Hmpf! Ang shwungit naman nito!

Pagkatapos mag-explain si proffy at iniwan na kame to deal with each other, tumingin sa'kin si Joshua...

Joshua: Okay, punta ka na lang sa apartment ko
Ako: Hala! Bakit ako ang pupunta?!?
Joshua: Syempre, alangan namang magpakapagod pa ko para lang pumunta snyo... Eh di ko naman alam kung san ka nakatira...
Ako: As if alam ko kung san ka nakatira?!
Joshua: Bibigyan naman kita ng mapa eh... (naglabas sya ng papel at ballpen)
Ako: Sipain kaya kita dyan?!

All alone?! Sa apartment nya?!? Walang kasama?! Kaming dalawa lang?!?

Napatingin sa'kin si Joshua, sabay nung nakita nya siguro ung expression sa mukha ko, tinaasan ba naman ako ng kilay!

Joshua: Huy! Kung anu-anong iniisip mo dyan! Matauhan ka nga! Mataas standards ko noh...

Wha--?!?!?

Binatukan ko nga sya!

Ako: Mataas ang standards?!? Anong ibig mong sabihin dun!??! Sipain kita dyan eh!
Joshua: (napahawak sa ulo nya) Aray naman! Binatukan mo na nga, sisipain mo pa! Eh kung itapon kaya kita!?!
Ako: Che!

Kinuha ko ung sketch nya papunta sa kanila... Kapal ng mukha ng lalakeng toh! Grrrrrr!!!

Ako: Hintayin mo ko dun! Siguraduhin mo lang na may pagkain nang nakahanda ah!

GitaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon