Chapter 16

72 1 0
                                    

Joshua's POV

Nung dumating ako sa Theater class ko, nakita ko si Janessa na nakikipag-usap kay Richie... Mukhang nagiging close na sya dun sa baklang un... Tumabi ako kay Janessa...

Ako: Oi...
Janessa: (tumingin sa'kin) Oi... Ano?
Ako: Wala lang... Tumatabi lang... Masama ba?
Janessa: Bakit?
Ako: Ayaw mo kong katabi?! (mukmok) Kala ko pa naman masaya ka pag katabi mo ko...
Janessa: Ano? Uy, okay ka lang? (tumingin sya kay Richie) May sinabi ba ko?
Richie: (tumawa) Nako, masyado lang yan nagiging sensitive...
Ako: (tingin kay Richie) Hoy! Anong sensitive?!? Umalis ka na nga dito! Bumalik ka na dun sa lungga mo!

Tumayo si Richie na tumatawa tapos bumalik na nga sa kabilang dako ng room kung nasan ung mga ka-federasyon nya...

Janessa: Bakit mo naman sinigawan si Rich?

Bago ako maka-sagot, biglang may pumasok na teacher... Hindi si Prof Adik...
Syempre, napatingin kaming lahat...

Mysterious Teacher: I'm Prof Cruz.. (lagay ung gamit nya sa table) I'll be your new Theater teacher since we won't be seeing Mr. Acosta from now on...

Janessa: (bulong sa'kin) Ano nangyari?
Ako: Aba, malay ko!

Tumingin sya sa'kin...

Ako: (napatingin sa kanya) Ano?!
Janessa: Anong ginawa mo kay Prof Adik?! Pinasugod mo sa mga lucky charms mo noh!
Ako: Ano?!? Nababaliw ka na ba?! Eh malay ko kung anong nangyari dun!

Prof. Cruz: I won't lie to you... What Mr. Acosta did was very unappropriate for a mentor... Pati tuloy education ng isang estudyante naapektuhan... hay... Anyway...

Janessa: Ahhhh...
Ako: Anong "aahhhh"? Anong nangyari?

Tingin ako dun sa prof na nagsasalita bout mga expectations nya, tapos kay Janessa...

Ako: Anong nangyari?
Janessa: Di mo getz? Ang slow mo talaga...
Ako: Hala! Anoh ba?!
Janessa: Never mind na lang... Ay, teka, nga pala...
Ako: Hmp! Ano?!
Janessa: (natawa) Nakz, nagtatampo na si horsey...
Ako: Anong horsey?!? Bakit ba horsey?!??

Prof Cruz: Ano nangyayari dyan?

Napatahimik akong bigla, sabay umayos ng upo...

Ako: (sagot kay sa prof) Wala poh...

Nung mawala na ung atenston nya sa'min, humarap uhlet ako kay Janessa...

Ako: (bulong) Pinapahamak mo pa ko!
Janessa: (ngiti sa'kin) Kaw naman... Ingay mo kase eh...
Ako: Ano bang gusto mo?
Janessa: Sa Sabado, may family reunion kami... Uuwi dito sina mommy and everyone na nasa States...
Ako: O? Ngayon?

Parang di ko gusto toh ah...

Janessa: I'd like you to come with me...
Ako: Anoh?!?

Napatingin ako sa harap... Binigyan lang ako ni prof ng matinding titig, tapos balik na sya sa sinasabi nya...

Ako: (tingin uhlet kay Janessa) Nababaliw ka na ba!? Ano nanaman gagawin ko dun!?
Janessa: La lang... Sige na, (hila nya ng konti ung sleeve ko) Sama ka na... Please?

Bubwit... Ano bang meron dito sa babaeng toh at konting please lang eh bibigay na ko?!

Ako: Oo na... Sige na...
Janessa: Yipee!!! Sasama sya!

Bumalik na ung atensyon ni Janessa dun sa bagong prof...
Haaaaaaayyyy... Nakalabas nga ako sa trouble ng pagbagsak sa subject na toh, tapos pinasok naman ako ni Janessa sa isa pa...

Meet the family huh...

Pero di naman kame!

Sa Sabado... Okay lang naman di ba?










Pero pano kung ilayo rin nila sa'kin si Janessa?




Ano na lang mangyayari sa'kin?

GitaraWhere stories live. Discover now