CHAPTER 68 - JEALOUS ZAP?

Start from the beginning
                                    

"Nice to meet you again Ms. Zapira Herst Kurshwell, gaya ng sabi mo, lalaktawan na namin ang dalawa sa list dahil ikaw na ang target namin nga----" 

Hindi pa natatapos ang sasabihin nya ay bigla ng kumunot ang noo nya habang nakatingin sa dibdib ko, hindi yung sa ano ha, kundi sa mismong dibdib ko kung saan naroon ang kwintas na binigay sa akin ni lolo.

Anong nangyayari? Bakit parang, parang bigla yata syang nanigas sa kinatatayuan nya?

"I-ikaw? b-bakit... bakit suot mo ang kwintas na iyan? Sino ka ba talaga? Bakit na sa'yo ang isang kwintas? " sambit nya ng may halong kaba, takot at pagtataka.

Naguguluhan na ako sa sinasabi nya pero agad din akong nakahinga ng maluwag matapos nyang senyasan ang mga kasama nya at agad nagsitakbuhan palayo sa amin.

Ang weird. 

Hinawakan ko ang kwintas na ibinigay sa akin ni lolo..

.

.

Ano kayang meron dito? 

 ---------------

(Megan's POV)

Nandito na kami ngayon sa bundok para sunduin si Zap mula sa punishment nya, well i'm sure naman na nagawa nya yun. Yun pa, wala namang kinatatakutan yun eh, basta mahalaga sakanya o kailangan nya handa syang magpakatapang at harapin ang kahit na anong bagay o kapahamakan, miski buhay man nya ang nakataya.

Naglalakad kami ngayon at nasa hulihan nila ako habang nakasunod kay john.

"Hey! Guys! Bakit ba kasi hindi na lang natin sila hintayin sa baba, napapagod na ko eh atsaka it's so nakakadiri kaya, look oh ang putik putik na nga andami pang mga kung ano anong grrr.. insektong pumapalibot sa akin" pag iinarte ko.

Sigurado akong lilingon sakin si john at lalapitan ako nito, hihihii

"pffft.. sinabi ko naman sa'yo diba, na dun ka na lang muna sa Agent's UG Hideout, ang kulit kulit mo kasi eh, ayan magtiis ka"  sagot ni john habang nakatalikod.

*Roll eyes*

Hindi naman yan yung inaasahan kong sagot eh  = 3 =

"tssss... eh sa gusto kong sumama eh" sagot ko.

"Yun naman pala eh! Ibig sabihin ginusto mo yan!" john.

"Tch! ang sweet mo john, kinikilig ako"  mahina kong bulong sa sarili.

"Pffft halika ka nga rito" john.

Tumigil ako sa paglalakad ng lumingon sya sa direksyon ko at lumapit sakin.

Napakunot naman ang noo ko nang itinaas nya ang kamay nya at tila ba may kinuha sa buhok ko.

"Dahon lang, halika na baka mahuli pa tayo" aya nya atsaka hinawakan ang kamay ko at muling naglakad.

*Ehem ehem*

Why so swerte Meg ? he's so sweet, caring and handsome that's why i really really love him talaga hihihihi

" Uhmm boss malayo pa po ba sina Zap at Hartz? Kanina pa po tayo naglalakad dito eh" yoona.

Yeah it's almost 3 hours na kaming naglalakad and we still naglalakad pa rin (sigh)

"kayong mga bata ko, alam nyo ba kung anong ginawa ng apo ko sa punishment nya? " tanong ni boss na ikinailing naman naming lahat.

"Basahin nyo yan" atsaka sya may binigay sa akin na envelope na syang pinulot nya kanina sa paahan ng bundok.

Mr. Bully meets Ms. GangsterWhere stories live. Discover now