"Bumalik ka na sa inyo! "

"Ay nakaka hurt na kayo ah. Pinalayas na nga ako sa bahay. Pati ba naman ikaw papalayasin din ako?"

"Ano na naman bang ginawa mo?"

"Ako ,wala. Yung matanda ,meron. Tss. Balak ko nga sanang sunugin yung paaralan nyo para may reason na talaga ako upang di maka transfer dun."

"Eh di gawin mo. Basta huwag ka nang bumalik dun. Pag nakita ko pa yang pagmumukha mo doon , sisiguraduhin kong buburahin ko yan."

"Ang brutal mo dude. Para mo akong di pinsan. Siguro may atraso ka dun no tapos ayaw mong malaman ko at baka isumbong kita sa matanda? "

"Wala akong atraso no!"

"Yun naman pala eh. Kaya okay lang na doon ako mag aaral. Asa ka pa nyan, may maipagmamalaki kang heartthrob na pinsan sa mga schoolmates mong matagal nang di nakakakita ng gwapo."

"Akala ko ba ayaw mo?"

"May magagawa ba ako? Hello si tanda yun no! Ikaw lang nakakasuway dun! At isa pa , may nagpabago na ng desisyon ko. " he said it while smiling.

"Huwag ka ngang ngumisi ng ganyan . nakikilabutan ako sayo. "

"Eh kasi noong dumalaw ako sa paaralan nyo last week, may na kita akong maganda. Now na gets ko na bakit nakaka tagal ka sa school na yun. Kahit pala sa public eh may mga chickababes parin."

Pinektusan ko ang tainga niya.

"Aray! Ang sadista mo dude ah! Konti nalang at mabibintangan na talaga kitang may gusto sa akin! Kadire ka! Ayaw ko ng incest no!"

IT STARTED WITH A TEXTWhere stories live. Discover now