Chapter 35

2.2K 40 6
                                    


Nagising ako ng may naramdaman akong humahaplos sa pisngi ko..


"Gising na kitten.." he said huskily

"Anong ginagawa mo dito ?" Pinatatag ko ang boses ko baka nakalimutan niya may atraso pa siya sa akin..

"Alam kong galit ka mamaya na akong magpapaliwanag.. kumain ka muna ito oh pinag luto kita." sabi niya habang pinapakita sa akin ang kanyang luto..

Napahawak ako sa tiyan ko .. ang sarap kainin! Pero wag muna Cathy! Manigas ka!

"Wala akong ganang kumain " sabi ko at inilayo ang plato sa akin mahirap na.. baka hindi ko mapigilan ang bango pa naman...

"Kumain ka " matigas na sabi ni Nicholas

"Ayoko.."

"Pag hindi ka kumain.. Ikaw ang kakainin ko! Mamili ka.."seryosong sabi ni Nicholas

Namula ako sa sinabi ni Nicholas.. loko loko to ah! Kahit naman gusto ko sa ideyang iyon pero wag muna ngayon..

"Hindi ako kakain.. Mag paliwanag ka muna sa akin.."sabi ko

"Okay pero kumain ka pagkatapos okay ? " sabi ni Nicholas at tumango naman ako bilang pag sang ayun

"Victoria just came back here in philippines.."

Napahigpit ang hawak ko sa kumot.. So siya ang tinutukoy sa akin Ni Viper?

"Katulad ni Viper she's also our friend dahil magkapit bahay lang kami noun.. pero si Victoria, siya ang spoiled sa amin magkakaibigan.. Pinalaki kasi siyang parang prinsesa ng mga magulang niya dahil siya lang naman ang kaisa isa nilang anak.. She's half filipino at half american .." sabi ni Nicholas

"Why are telling me this?" Tanong ko

"She's the one who put the lipstick in my polo pero I swear!!! Hindi ko alam iyun! "

"So sinasabi mo na palagi kayong nagkikita without telling me? " sabi ko...

"Kitten.. There is a reason why kong bakit kami nagkikita ngayon... pero kitten believe me walang namamagitan sa amin.. Hindi ko siya mahal.."

Hindi mo nga siya mahal pero mahal ka ng bruhang iyun! Gusto ko sana sabihin ito pero wag na..

"Can you tell me the reason.?" Sabi ko may pakiramdam ako na masasaktan ako nito

"Kitten.. sorry.. pero hindi ko pweding sabihin sayo.. Just trust me .. " sabi ni Nicholas habang hawak ang kamay ko

"Buisness ? " tanong ko at tumango siya

"Oo its all about buisness.. I'll never cheat on you kitten.. Tandaan mo yan.." he said at hinalikan ang kamay ko

Kahit naman hindi ako sigurado sa buisness na iyan.. Ngumiti nalang ako.. May tiwala ako kay Nicholas pero sa bruhang iyun wala..

"Nasaan pala si Nanay? " tanong ko kasi kahapon pa ito wala

"Sinama nila mommy ang nanay mo sa resort namin doon sa Batangas" naka ngiting sabi ni Nicholas

"Huh? Bakit hindi niya ako sinabihan? "Takang tanong ko

"Tinawagan ka kaya ng Nanay mo kaso hindi ka ma contact" ahh oh nga pala! Na lowbat ako

Dali dali kong hinanap ang phone ko

"Your phone is Charging.. napunot ko kasi sa sahig at nakita ko kong gaano siya kalowbat" sabi ni Nicholas

We meet againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon