Napailing naman ako bilang sagot sa tanong niya, "I have a secret to tell you, in this life there's a lot of possibilities... people will come and go in your life, some will stay with you, some will leave you, however there's an 80% chance that you will meet someone you know from your past life and when your path crossed for the second time around... your story will begin again" sabi pa niya, napaisip naman ako ng malalim dahil sa sinabi niya.

"W-what do you mean?" nagtataka kong tanong, mas lalo akong naguguluhan kung bakit niya sinasabi sa akin ang mga bagay na'to.

Mas lalo siyang napangiti dahil sa tanong ko "A story has a beginning and an end... Our life also begins and ends, but our destiny and our purpose in this life would never end" dagdag niya pa, at tinapik niya ang ulo ko. akmang aalis na siya pero pinigilan ko siya, sobrang nabobother talaga ako sa pagkatao niya.

"W-wait, s-sino ka?" tanong ko dahilan para mapalingon siya at mapangiti sa akin.

"Oh, I forgot to introduce myself to you... " panimula niya at naglakad ulit siya papalapit sa akin sabay lahad ng palad niya sa tapat ko "I am Aleeza Mae Agcaoili" tugon niya, napatingin naman ako sa palad niya at nakipag-shake hands sa kaniya.

"I am...." Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla siyang nagsalita.

"Carmela Isabella, right?" sagot niya sabay ngiti. At dahil dun nanlaki yung mga mata ko. paano niya nalaman ang pangalan ko? Ahh. Siguro sinabi ni dad nung magkausap sila kanina o kaya nabasa niya sa record ko.

"I told you... it is rare to meet someone you know from the past... but if that happens, I wish you luck" dagdag pa niya sabay ngiti at kindat sa akin, at sa pagkakataong parang may gusto siyang ipahiwatig sa akin na hindi ko maintindihan, pero bago ako makapagtanong ulit nakalabas na siya sa pinto.

Parang ang hiwaga niya...


Ilang saglit pa, napalingon ako sa gilid ko dahil biglang may nag-vibrate doon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang phone ko, nakalagay ito sa gilid ng mesa sa tabi ng eyeglass ni dad. Omg! Sobrang tagal na bago ako makakaexperience ulit ngayon ng technology. Kinuha ko na yung phone ko at parang naging alien ito sa akin.

Medyo nalito ako kung paano ko ulit bubuksan iyon at napaisip pa ako ng matagal kung ano ulit yung password ko. buti na lang naalala ko na birthdate ni mommy ang password ko doon.

Nang mabuksan ko na yung phone ko nagulat ako sa limang missed call from Pat at nag-leave din siya ng dalawang messages...

Hey Carms, I hope you're okay na... Oo nga pala, Prof. Hermios agreed to let you take the special pre-final examination next week since you can't join our presenation later. But you know naman kung gaano ka-strict si prof, I'm worried lang na baka mahirapan ka sa gagawin niyang test for you and sayang naman yung mga niresearch mo about sa topic natin -Pat

If you can report today, We'll go there to sundo-sundo you... -Pat.

Napatulala lang ako sa text message niya. teka! Anong oras na ba? Pagtingin ko sa phone ko, 2:57 pm na. and 3 minutes na lang mag-uumpisa na ang Philippine History class namin. Naalala ko na alanganin pala ang grades ko kay Prof.Hermios kasi hindi ako palagi pumapasok sa klase niya dahil bored na bored ako noon sa Philippine History. at noong huling pasok ko ay muntikan pa kaming magkasabunutan ni Shae sa klase niya.

Ngayon araw na rin pala ang report presenation namin, kaya ako nasa library noon para magresearch sa report namin at naalala kong hindi ako nakapagresearch kasi bigla kong nakita yung lumang diary dito sa library at sumulpot si madam Olivia at inagaw iyon sa akin hanggang sa hinabol ko siya at makarating kami sa Arko.

I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)Where stories live. Discover now