Nag-paalam at lumabas na yung nurse at naiwan na lang kami dito ni daddy sa loob. Napabuntong-hininga siya at saka lumingon sa'kin. "Carmela, gising ka na pala" gulat na tugon ni dad at agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko, hinimas din niya ang noo ko na ngayon ay may nakalapat na malaking gauze.

"Hey, why are you crying?" nag-aalalang tanong ni dad at pinunasan niya ang mga luha ko na walang awat na sa pagpatak ngayon. hindi ko alam pero sa pagkakataong iyon parang unti-unting naghihilom ang sugat sa puso ko dahil narito ngayon si dad sa harapan ko. Ilang beses ko inakalang mamamatay at mananatili na ako sa sinaunang panahon noon at palagi kong naaalala si dad at ang mga kapatid ko habang pinagsisisihan ko ang mga kasalanan at kakulangan ko sa kanila.

"Ssshh... nandito na si daddy, I won't leave you" sabi pa niya at niyakap niya ako dahilan para mas lalong umapaw ang mga luha ko. Sobrang nagpapasalamat talaga ako kasi kahit anong kalokohan ang gawin ko noon palagi pa ring nandiyan si daddy at iniindtindi ako.

"S-sorry dad" iyon lang ang salitang nasabi ko pero sa pagkakataong iyon ang salitang 'Sorry' ay nagawa kong bigkasin mula sa puso ko.

"It's okay, I understand"


Umalis muna sandali si dad para bumili ng pagkain, napasugod pala siya agad dito all the way from work nang tawagan siya dahil nahimatay ako at nasa clinic ngayon, kung kaya't hindi pa siya nag-lulunch. Napatingin ako sa mga galos sa braso ko, kung panaginip lang ang lahat ng nangyari nang mapunta ako sa sinaunang panahon... saan ko nakuha to?

Napapikit na lang ako at pilit inaalala ang mga nangyari bago ako mapunta sa sinaunang panahon... ibig sabihin February 29, 2016 pa din ngayon. at ito rin ang araw kung kelan ako tinulak ni madam Olivia sa Arch of the Centuries.

Ibig sabihin, tumigil ang takbo ng oras ng kasalukuyang panahon habang nasa sinaunang panahon ako!

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at ngumiti sa akin yung nurse na kausap kanina ni dad, ngayon ko lang napansin na nakakatulala yung ngiti niya, maputi siya, may pagka-chinita, at maganda talaga siya, siguro nasa mga middle 20s na siya.

"Hi, How are you?" tanong niya habang nakangiti ng todo sa akin at may dala-dala siyang kumpol ng white roses at inilagay niya iyon sa vase na nasa tabi ng kama na hinihigaan ko dito sa clinic "Weekly flower delivery to' dito sa clinic, para gumaan ang atmosphere dito" patuloy niya pa habang nakangiti pa din, hindi ko alam pero sa pagkakataong iyon parang may kakaiba akong nararamdaman sa kaniya. Lumapit siya sa'akin at dahan-dahan niyang inalis yung karayom na natusok sa kamay ko na daluyan ng dextrose.

"Anyway, How are you?" tanong niya pa ulit, napayuko naman ako. Ang common naman talaga na sinasagot kapag tinanong ka kung kamusta ka is... I'm fine.. Okay lang ako...

Pero sa pagkakataong ito, ayokong paniwalain ang sarili ko na okay lang ako.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kaniya "It's going to be fine, maybe not now... but soon you will be okay" sabi pa niya sabay ngiti, nakapagtataka... bakit parang alam niya ang pinagdadaanan ko ngayon. napatitig lang ako sa kaniya, nagsusulat siya ngayon sa isang health record book, hmm... parang ngayon ko lang naman siya nakita.

Isinara na niya yung hawak niyang record book at tumingin ulit sa'kin "See? Mabilis kang naka-recover ngayon... and I hope mabilis ka din makaka-recover emotionally" tugon niya pa, napatulala na lang ako, tama nga sila ang sugat sa pisikal na katawan ay madali lang maghilom pero ang sugat sa puso at sa emosyon ay napakahirap gamutin.

"Hmm... Do you believe in second chances? Do you believe that you will meet someone you already know from the past?" patuloy niya pa dahilan para gulat akong mapatitig sa kaniya. Sobrang gaan ng aura niya, at parang magaan din ang pakiramdam ko sa kaniya.

I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon