Chapter 19: Section War

Start from the beginning
                                    

"Section War?" Tanong ko kay Ycezy.

"Hindi mo alam? Once a section declare a war with another section, it's called section war."

"And?"

"At hindi matatapos ang Slaughter Party hangga't walang nananalo, hangga't meron pang nagitirang buhay. Masasabing panalo na ang isang section kapag... NAPATAY NA NILA LAHAT NG KALABAN. Surrendering is useless." Dama ko ang takot na kanyang nararamdaman. Nanginginig ang mga kamay at animo'y may papatay sa kanya dahil sa takot. Sino nga bang hindi matatakot? Hindi namin sila kilala at hindi namin alam kung anong kaya nila. Ang mas nakakatakot pa ay hindi matatapos ang Slaughter Party hangga't hindi pa natatapos ang gera. Paano iyon nangyare?"

"Bakit hindi matatapos ang Party?" Muli kong tanong sa kanya.

"Ang presedente ng isang section na nagdeclare ng war ay may pipirmahang mga papeles at isusumite sa head teacher..."

"Kay Mrs. Herra Slaughtery? Siya rin ba ang gumawa nito?"

"Oo... At matapos maibigay ang mga papeles, maririnig sa buong school ang isang anunsyo tungkol sa magaganap na Section War. Kahit abutin ito ng isang araw... o nang isang linggo o kahit pa isang buwan... Hindi matatapos ang Slaughter Party hangga't hindi pa tapos ang gera." Kahit ako ay kinikilabutan sa mga pinagsasasabi niya. Naiinis ako sa school na'to! Bakit ba hindi kami hinahanap ng mga magulang namin?! Bakit parang hindi alam ng gobyerno na may roong ganitong school?! Shit! Bullshit!!! "Zac... Wala tayong laban sa kanila. Marami silang armas! Katulad nalang nung machine gun kanina. We'll all die in no time!" Lahat kami ay natatakot... Natatakot na mamatay, pero kailangan naming lumaban at kailangan kong mailigtas si Zhraine.

"May plano ako pero masyado itong kumplikado." Sabi ko sa kanila.

"But we need a perfect plan!" Sigaw ni Jilbert sa'kin.

"It's impossible! Marami silang mga armas tulad ng mga high class na baril. Wala tayong laban. Ilabas niyo nga ang kahit anong armas na meron kayo." Gaya nga ng sinabi ko... Inilagay nila sa unahan ang mga armas na meron sila. Dalawang baril, ang isa ay nagmula sa akin na nalimot ko lamang, limang kutsilyo at isang smoke screen. Eto lang? Parasa akin marami na'to pero maaaring kakaunti lamang ito kumpara sa kalaban.

"Zac, sa tingin ko... Makakatulong ako." Sabi ni Emerald sa akin. "I can make a bomb and I have enough parts in my dorm to make atleast 3." Muli nitong sabi.

"Gaano ito kalakas?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ito gaanong kalakas but two is enough to blow our whole classroom.

"Gaano ito katagal gawin?" Muli kong tanong.

"1 hour each but I already made two at kung mamadaliin ko talaga... It could take less that 50 mins."

"Prince, pwede mo bang samahan si Emerald pabalik sa dorm niya? Iwasan niyo'ng makabunggo ng estudyante ng class 1-A."

"Ok." Sagot ni Prince. Naglakad na silang dalawa palabas ng classroom. Kung magagawa agad ni Emerald ang bomba na 'yon, makakatulong talaga ito. Maganda ang planong nasa isip ko pero gagana lamang ito kung magtutulungan kami. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader sa aking tabi. 7:59 na pala meron pa kaming isang oras at isang minuto. Sana umabot ang mga bomba ni Emerald dahil kung hindi... Mamamatay kaming lahat. Natatakot akong mamuno dahil ayokong may may mapapahamak dahil sa mga plano ko. Malalim ang aking iniisip ng biglang nagbukas ang pinto ng classroom akala ko sina Prince at Emerald 'yon kaya napaimik ako ng...

"Parang ang bilis niyo naman...." Nanlaki ang aking mga mata at natulala sa babaeng pumasok ng aming classroom. "Haize?" Hindi lamang ako ang nagulat kundi kaming lahat. Bigla nalang tumahimik ang paligid na kanina lamang ay ang ingay-ingay. Andito ba siya para wakasan na ang grupo naming sampo? (10 Secret Keepers) Hindi ko maitatangging natatakot ako dahil sa mga mata niyang 'yon.

Battles Of The Gifted OnesWhere stories live. Discover now