"Sorry na, ha? Pansinin mo na ako. Please? Sige na, baby? Don't be mad na."

"Bakit mo ba kasi ginawa iyon?" sa wakas ay tanong niya. Napayuko ako dahil sa hiya.

"Sorry na talaga. Oo, sinadya kong takutin ka pero biro lang naman iyon. Dati kasi, ginagawa ko na talaga iyon kina Eunice at Saff pero hindi naman sila nagagalit kasi alam nilang binibiro ko lang sila. Hindi ko naman alam na iba pala ang magiging reaksyon mo," sabi ko bago nag-angat ng tingin sa kanya. "Sorry na. Huwag ka nang magalit."

"I'm not mad. I'm just pissed. Nainis lang ako sa ginawa mo pero hindi ako galit. Hindi ko kayang magalit sa'yo," aniya saka bumuntong-hininga. "Don't do that again, okay?"

Paulit-ulit akong tumango bago ko siya niyakap. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin. Napangiti ako. Mukhang effective talaga ang ginawa ko.

I felt him kiss the top of my head. Tiningala ko siya ulit.

"Bati na tayo?" tanong ko.

He smiled. "Nag-away ba tayo?"

Napasimangot ako. "Oo kaya. Hindi mo nga ako pinapansin, eh."

"Nagpapalambing lang ako. Gusto ko lang malaman kung anong gagawin mo. Pero nagtampo naman talaga ako ng konti. Huwag mo na lang ulit gagawin iyon, okay?" aniya. Tumango ako bilang sagot. "Pasalamat ka, natuwa ako sa tawag mo sa akin."

Napangisi ako. Ah, so gusto pala niya na tinatawag ko rin siyang 'baby'. Hindi talaga ako sanay na may tinatawag na ganoon pero para sa kanya, gagawin ko.

Inakbayan niya ako saka kami naglakad papunta sa susunod na ride. Disk O Magic ang huling sasakyan namin ngayon bago kami sumakay sa Ferris Wheel. Nang makarating kami roon ay pumila na kami. Mga ilang sandali lang ay nakasakay na kami.

At nang magsimula nang umandar ang ride, bigla akong nagsisi na ito ang napili kong sakyan namin. Umiikot ang paningin ko. Pakiramdam ko ay masusuka ako anumang oras. Hindi na nga ako makasigaw dahil natatakot akong baka bigla na lang akong sumuka. Nakakahiya iyon kapag nagkataon.

"Hey, are you okay?" dinig kong tanong ni Hero pagbaba namin. Pero hindi ko na siya nagawang sagutin dahil bigla kong naramdaman ang pagbaliktad ng sikmura ko.

Tumakbo ako sa malapit na basurahan para sumuka. Narinig ko pa ang pagtawag ni Hero sa pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon dahil hindi ko na talaga kaya. Tuloy-tuloy lang ang ginawa kong pagsuka. Aminado akong pinagtitinginan na ako ng mga dumadaan pero wala na akong pakialam.

Habang sumusuka ako ay naramdaman ko ang paghimas ni Hero sa likod ko. Sinikop niya rin ang buhok ko para hindi no'n matakpan ang mukha ko. Nang matapos akong sumuka ay inabutan niya ako ng panyo at tubig. Pinunasan ko muna ang bibig ko bago ako uminom.

Pagkatapos kong uminom ay hinila niya ako sa isang malapit na bench at pinaupo. Umupo rin siya sa tabi ko saka niya ako hinarap sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Are you okay? Anong nararamdaman mo?" tanong niya.

Napanguso ako. "Ayoko nang sumakay roon. Hindi na ako sasakay roon. Hindi na ako uulit. Nakakahilo."

He sighed. "Do you want to go home now? Gusto mo nang magpahinga?"

Umiling ako bilang sagot. Ayoko namang dahil lang nahilo ako ay titigil na kami. May isa pa kaming hindi nasasakyan. Para sa akin, hindi makukumpleto ang EK experience ko kapag hindi ako sumakay sa Ferris Wheel.

"Gusto ko pang sumakay sa Ferris Wheel. Sakay muna tayo roon bago tayo umuwi."

Tumango siya. "Okay, then. Pero magpahinga muna tayo. Saka na tayo sumakay kapag okay ka na. May gusto ka bang kainin?"

Dating My Sister's Idol (The Neighbors Series #3)Where stories live. Discover now