Napatingin na ako kay Eduardo na ngayon ay pinapatakbo ng mabilis ang kabayo "M-maraming Salamat sa lahat ng tulong mo Eduardo, ilang beses mo rin itinaya ang buhay mo para lang tulungan kami ni Juanito" tugon ko dahilan para mapalingon siya sa akin at mapangiti.

"Walang anuman Binibini, nais ko ring magpasalamat sa iyo dahil nagpaubaya ka na magpakasal sa mga Flores upang iligtas ang anak namin ni Maria, at maraming salamat din dahil hindi mo hinahadlangan ang pag-iibigan namin kahit pa isa lamang akong hamak na indiyo" sagot ni Eduardo at bahagyang nalungkot siya.

"Wag mong sabihin yan, ang salitang indiyo ay hindi nararapat para sa mga magigiting na Pilipino na katulad niyo, kayo ang totoong anak ng bayan, kayo ang may-ari ng Pilipinas, kung kaya't kayo dapat ang mamamahala nito" sagot ko at umaliwalas naman ang itsura niya. sa totoo lang parang may kung anong kirot sa puso akong naramdaman nang sabihin ko ang mga salitang iyon.

Kung iisipin, si Carmelita ang Pilipinas at ako naman ang Espanya, dahil si Carmelita talaga ang totoong may-ari ng buhay at katawan namin sa panahong ito, Samantalang isa lamang akong dayo at sumakop sa pagkatao niya.

"Nagpapasalamat ako dahil kahit kayo ay anak ni Don Alejandro ay hindi kayo tumutulad sa kaniya" sabi pa ni Eduardo at ngumiti siya sa akin ng bahagya.

"Hindi lahat ng may dugong Kastila ay galit sa mga Pilipino, marami pa rin ang nagmamalasakit sa inyo, Iyon nga lang kung minsan ay nasa katungkulan namamalagi ang mga ganid sa kapangyarihan" sagot ko at napatango naman si Eduardo.

"Tama po kayo Binibini, Lubos ko nga pong dinadakila si Sarhento Fransisco La Madrid na isang mestizo, pinangunahan niya ang pagsalakay sa Fort San Felipe Neri sa Cavite gamit ang ilang sundalong Espanyol noong nakaraang dalawampung taon" sambit ni Eduardo, bigla naman akong napaisip... nakaraang sampung taon sa Cavite? Ibig sabihin 1872?

Ang tinutukoy ba niya ay yung Cavity mutiny of 1872? Hindi naging matagumpay ang Cavite Mutiny ngunit ito ang naging inspirasyon ng karamihan upang lumaban sa mga mananakop na Kastila. Dahil rin sa pag-aaklas na ito nadawit ang pangalan nila Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora na mas kilala bilang Gomburza. At ang pagkamatay ng tatlong paring martyr ang naging inspirasyon ni Jose Rizal sa kaniyang nobelang EL Filibusterismo, gayon din ni Gat Andres Bonifacio na sumpremo ng Katastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.

Hindi magtatagal ay babalik na dito sa Pilipinas si Jose Rizal at itatatag niya ang La Liga Flipina layunin nito ang mapayapang paghingi ng reporma at pagbabago para sa Pilipinas, si Andres Bonifacio ay miyembro rin ng samahang ito. Ngunit pagsapit ng Hulyo sa taong ito na 1892 madadakip si Jose Rizal at ipapatapon sa Dapitan dahilan upang maitatag na nila Andres Bnifacio, Teodoro Plata, Deodato Arellano, Valentin Diaz, Ladislao Diwa at Jose Dizon ang KKK.

Pebrero pa lang ngayon at limang buwan na lang mag-uumpisa ng maitatag ang malawakang samahan upang makamit ang kalayaan laban sa ilang siglong pananakop ng mga Kastila.

"Yumuko lang po kayo Binibini, posible pong harangin tayo ng mga guardia civil pagdating natin sa bayan" tugon pa ni Eduardo, napansin ko namang nag-uumpisa nang dumami ang mga kabahayan na aming nadadaanan, ibig sabihin malapit na kami sa bayan.

Nang makarating kami sa bayan wala na ang mga ngiti at tawanan ng mga mamamayan dahil halos tahimik at nakayuko lang ang lahat habang naglalakad sa mga gilid at paulit-ulit na nagbibigay galang sa mga nakakasalubong na guardia civil.

Ang bawat kilos at simpleng pagbubulungan lang ng mga tao ay paghihinalaan agad ng mga opisyal at kikilatisin kung kaya't walang naglalakas loob na magtinginan man lang. Sa palengke ay tahimik lang din ang lahat, hindi na nagtatawag pa ang mga tindera o tindero dahil agad silang sinusuway ng mga guardia civil na nakatayo at naglilibot-libot kasabay ng mga taong namimili.

I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon